Kahit gaano pa karaming yaman at kapangyarihan ang mayroon ang isang tao, hindi niya kailanman mapipigilan ang paglubog ng araw, kung paanong di niya mapipigilan ang pagsikat nito. Kung paanong di mapipigilang dumating ang kamatayan, Kung paanong di mapipigilan ang pag-ikot ng daigdig, at paglipas ng bawat minuto. Kung paanong di mapipigilan ang paghampas ng mga alon sa dalampasigan, at pagbalong ng tubig mula sa kailaliman. Nariyan na ang lahat ng ito bago pa natin lakarin ang bawat alikabok na kumukumot sa bawat bato. Kaya't kahit ano pang kapangyarihan ang mayroon upang patagalin ang pagtanda, hindi natin matatanggi na ang pagtatapos ng bawat yugto natin ay matagal nang nakatala. Sandali lang tayo kumpara sa bilyong taong inihinga ng mundo. Kaya't kung pagsira ang sagot upang umani, alalahaning isang araw, sa ating paghiga, sisirain din tayo ng lupa, ibabalik kung saan tayo nagmula. Lulubugan tayo muli ng araw sa ating huling mga hininga. Ang kaibahan, muli siyang sisikat, habang tayo'y habangbuhay nang iisipin ang kulay ng dapithapong huli nating nasilayan, at magtatanong, "paano kaya kung iba ang aking naging mga pasya?". #sunset #QCCircle Kuha mula sa gusali ng PHIVOLCS. https://www.instagram.com/p/BwCeEWNBFEq/?utm_source=ig_tumblr_share&igshid=17z1mc87bmz8i