Hi... Hello. Yan ang mga salitang napagpalitan natin noon.
Mga salitang nagbigay daan para umabot tayo ng taon.
Unang beses kitang nakita, nadama ko na ikaw na ang gusto ko na huling makasama.
Tayo'y nagkapalitan ng ngalan, numero at mga mensahe.
Tayo'y nagtawagan, nagtawanan at nagkaibigan.
Tayo'y nagsambit ng mga nakakatuwa at nakakatawang mga linya. Mga sikretong pili lang ang napagsabihan at ultimo kulitan natin sa kalye.
Akala natin tayo ay coke...sakto.
Akala natin ang ang dinadaanan natin light.
Akala natin ung mga balak natin ayun na mismo.
Di natin namalayan mapupunta pala sa zero.
Sing tatag sana natin sina Batman at Robin.
Sa tinagal ng mga pinagdaanan natin
Di napansin, na ang langit na maliwanag ay nagdilim.
Ninais ko na maging buwan sa madilim mong kalangitan.
Sa pagabot ko ng bituin ang naabot ko na pala ay araw.
Magkasama tayo sa kalawakan ngunit di natakdang magkasabay sa kalangitan ng mundo. Lalo na di pa din kahit man lang magtapat sa pagikot sa palibot neto.
Sa kagustuhan nating maging akma sa isa't-isa, di namamalayan na lumaki na pala ang pinagkaiba.
Ninais ayusin ang buhay na kanya-kanya upang maayos ang buhay natin ng magkasama.
Ngunit sa tagal ng hindi na nagkatugma, ang agwat natin tila ata lalong lumala.
Ang pagiging totoo sa ating sarili at sa bawat isa, ay ang syang naging sanhi ng pagkabiyak ng dati ay iisa ngayo'y dalawa.
Ang dating dynamic duo, ngayon ay solo. Ang hi at hello mga salita na lamang sa isipan
Hi... Hello. Mga salitang napunta na sa hangin, naibato na sa kulimlim at humiwa na sa’tin.
Hi... Hello, naway isang araw tayo'y muling magkita, magkasama at magsambit ng batiang ito. Ngunit habang wala na ang meron tayo ay itatago na lamang saaking damdamin.