Ang Tunay na Ikaw
11.16.2012
Nakikita ko Ang taglay mong Lakas, halina, kapayakan. Sa likod ng mga ngiti't halakhak, Nakikita kita - ang marupok na ikaw. Nais kitang puntahan, amuhin, suyuin - Ngunit mailap ka sa kabihasnang sa atin. Kahit minsan naman Hayaan mo akong pumasok Sa iyong bangungot at payagan Mo akong unawain ang bawat luha Na natuyot na sa iyong sariling alapaap. Ibukas mo sa akin ang iyong durungawan.











