Route196 holds a special place in my heart.
Noong unang beses akong nag-punta don, kasama ko si soon-to-be jowa ko and naligaw kami kasi nilakad namin galing LRT2 hanggang doon.
Nanuod kami ng gig ng Ben&Ben, December Ave, saka Autotelic. May Loop din non pero di ako nakikinig ng Loop hahaha. Sobrang siksikan noon don. sobrang daming tao tapos sobrang init, pawis na pawis kaming lahat, pero okay lang. ganon kasi talaga don lalo na pag maraming tao. yung tunog ng Ben&Ben sa sobrang liit na space was so divine, idagdag mo pang halos lahat ng tao non eh kumakanta at the top of their lungs. super happy nung gabing yon.
Naging close namin si Kuya Ryan, yung bartender, tapos uminom pa kami sa tapat nung bar nung tapos na yung gig. Sarado na non Route. Inalok kami red horse saka pulutan. Nagkwentuhan. Tapos pumasok na si Kuya Ryan sa loob after half an hour or so.
Kami nalang naiwan non sa labas. Madaling araw na non and walang masyadong mga sasakyan na sa daan. Naka-upo lang kami don nag-uusap. Di ko namalayan yung oras kasi masarap yung usapan namin. patay na non yung mga ilaw sa lugar, only the streetlights were lit. sobrang intimate nung gabing yon. I can’t shake the feeling.
Alas-kwatro nung tumawag na kami ng uber para makitulog sa bahay ng kaklase namin malapit sa PUP. May OJT ako sa umagang yon sa OIC office ng University and may klase kami sa Political Governance ng afternoon. Ramdam kong parehas naming ayaw pang umalis pero kailangan haha.
Tabi kaming natulog non pagdating namin sa bahay ng friend namin. natulog lang kami ng mga apat na oras tapos umuwi muna sya at ako dumiretso na sa OJT ko hahahha nagpalit lang ako ng damit na hiniram ko sa kaibigan ko. tapos nagyosi na ako sa Linear Park.
Sana di mawala yung Route. bitter padin akong nawala yung B-side eh haha.