HIGHSCHOOL FRIENDS [IV-RUBY] ~ OUTING SA ANTIPOLO! =)))
Ang saya saya dahil nagkita-kita ulit kami ng mga barkada at kaibigan ko. Kaso KULANG dahil wala si Hayskul Crush. Hayyy alam niyo naman. Pinapasaya ako nun eh! XD Well, Isang jeep kami with matching speakers na bumabayo habang nagro-roadtrip papuntang Antipolo. \m/
Habang paakyat sa SUMULONG HI-WAY! \m/
Sa LORELAND FARM RESORT kami nag swimming. At ang ganda talaga dun pakshet. Unang cottage namin yung sa may Phase II (KUBO1) Kaso hindi type ng ibang boys kaya lumipat kami sa Phase I. Yung malapit sa may bangin. Yung kita din yung citylights pag gabi <3
Walang masyadong pictures habang nag si-swimming dahil lahat kami, Naglalaro sa pool! Bente-uno at mataya-taya! Ang saya lang poga. Mga sigaw, Walang litid! =)))
Syempre, Hindi mawawala ang INUMAN! Redhorse at Tequila ang dinala nila. Grabe 1st time ko yung Tequila! Ang saraaaap! With matching calamansi at iodized salt! Kaso, SUMASAKIT ULO KO NGAYON DAHIL DIYAN! =))
Natanaw din namin yung paglubog ng araw. Grabe, Ito yung time na naglalabas ako ng sama ng loob kila Camille at Krishna. DRAMA LANG ANG PEG EH! SOAP OPERA! =))) Umiiyak habang nag sa-sunset! lol
Akala ko, Ako lang eh! Pero, pati sila! Manghang-mangha sa pag sight-seeing ng skyline ng metro manila sa may Sumulong Hi-way. GRABE! CITY LIGHTS BRADD! ANG GANDA PAGMASDAN! TAPOS WITH MATCHING SIMOY NG HANGIN! HAYYY ANG SARAP SA PAKIRAMDAM !! \m/
Ah basta! Ang saya dahil pangatlong outing na to ng section namin! Ang titibay namin pagdating sa galaan eh! From ENCHANTED KINGDOM to BAKASYUNAN RESORT to LORELAND FARM RESORT! Palayo kami ng palayo! =)))
Sa susunod, PANGASINAN naman o kaya PALAWAN! lol =))))
IV-RUBY BATCH 2011-2012 ~ yan ang samahan pare ❤
Wala na kasing makain. Ubos na yung dala kong spaghetti tapos napanis na din yung dala kong puto. Kaya lahat kami, GUTOM! Halos ALAK at JUNKFOODS na lang yung laman ng tiyan namin non. Eh ang mahal mahal ng pagkain na binebenta dun sa resort. Isang meal ata, Makaka 350 pesos ka! ah basta yon! Hanggang sa naisipan namin na bumili na lang ng ulam at kanin sa makikitang karinderya sa labas ng resort.
Hindi namin type nila Hans, Krishna, Jairus at Mao yung mga ulam dun! [Dinuguan, Pinakbet, at GINILING] kaya nagpasya na lang kami na magpaluto ng PANCIT CANTON sa isang tindahan.
Kahit papaano, Solb na kami dun. Maitawid lang ang nararamdamang gutom.
Kaso, Naawa ako sa ibang mga kaibigan ko na kumain sa karinerya na yun. Dahil natiis nilang KAININ yung KANIN at yung ulam na GINILING.
Yung kanin daw kasi, Para daw bato! Crispy! Tapos ang lamig pa daw. Halatang BAHAW yung kinain nila. Hindi na lang nagsalita si Sarah kasi, GUTOM NA TALAGA SIYA AT TINIIS NIYA NA LANG KAININ YUN DAHIL KULONG KULO NA YUNG TIYAN NIYA.
Kahit nga daw NAWASA na yung tubig na ininom nila dun, basta makainom at makaraos sa uhaw na naramdaman nila! xD
Pero laughtrip ako kay JUNELLE at CAMILLE! Yung Giniling daw! MAS MALALA! Hindi daw maipaliwanag ang lasa! Basta binansagan nilang "PANGAT" yung giniling.
PANGATLONG LUTO DAW! =)))))))))))))))))))))