Juno (2007)

#batman#dc#dc comics#bruce wayne#dick grayson#tim drake#dc fanart#batfam#batfamily


seen from United States

seen from Singapore
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from Pakistan

seen from Belgium

seen from Singapore

seen from United States
seen from Venezuela
seen from United Kingdom
seen from Netherlands
seen from China

seen from Malaysia

seen from United States

seen from Ukraine

seen from Brazil
seen from United Kingdom
seen from T1
seen from United States
Juno (2007)
Byahe
“Mahuli sa byahe hindi na kasali…” Madalas kong marinig ito noong ako ay bata pa sa tuwing mag lalaro sa kalsada sa ilalim ng tirik na araw. Mag tatakbuhan ang mga bata kasabay ng pag bilang ng “ isa..dalawa..tatlo..” Kung ikaw ay mahuli at ang bilang ay tumuntong ng sampu paniguradong ikaw ang taya.
Na alala ko noon sa tuwing mag kikita tayo ikaw ang unang dumadating kahit na alam mong hindi ako tutupad sa na pag usapang oras. “Tatlumpong minuto” ang sabi mo ng makarating ako. Matagal kang nag hintay ngunit ngiti pa rin ang isinalubong mo. Gaano ka man katagal na mag hintay, mangalay man ang mga paa mo, mapanis man ang laway mo, mabasa ka man ng ulan o mabilad sa tirik na araw sa pag aantay dahil sa palagi akong huli naroon ka sa pag dating ko dahil sabi mo nga'y “walang Kay tagal ang pag hihintay sapagkat mahal ko ang aking inaabangan” kaya ipinangako ko na sa sunod nating pag kikita ako na ang uang darating.
“Alasingko” ang basa ko sa aking relo. Hindi ko inabutan ang byahe kung kaya’t nahuli na naman ako. Makulimlim na ang himpapawid di dahil sa palubog na araw kundi dahil sa nag babadyang ulan. Tanaw mo na ako sa malayo, nakangiti kang kumaway at patakbong lumapit sa akin ngunit bago mo pa man marating ang kinaroroonan ko na pugto na ang aking hininga, sing bilid ng kidlat ang pag karipas ng motor siklong nag patilapon sa iyo. kasabay ng pag buhos ng ulan ang pag handusay ng iyong walang buhay na katawan.
“Alasingko” isat kalahating oras na akong naririto. Anong byahe ba ang sinakyan mo? Ang sabi mo noon sa tuwing ako'y na huhuli ipinipikit mo ang iyong mga mata, bumibilang ka at bago pa man tumuntong ng sampu, sa muling pag mulat ng iyong mga mata tanaw mo na ako sa malayo. Makailang ulit na akong bumilang hanggang sampu ngunit ni anino mo'y di ko matanaw.
Isa.. Dalawa.. Tatlo.. Muli akong bumilang nag babakasali na sa pag dating ng sampu muli na kitang masisilayan.
Mainam pa nung ako ay bata, kung mahuli man ako sa byahe at tumuntong ang bilang ng sampu, ano man ang laro kasali pa rin ako, walang alingawngaw ng sirena mula sa ambulansya, walang pulang likido sa kalsada, walang luha kasabay ng pag buhos ng ulan at kahit mag hapon akong mag laro at mag bilang ay walang lilisan.
Apat..lima..alam kong darating ka anim..pito..walo..ipinikit ko na ang aking mga mata dahil alam kong sa muling pag dilat ko'y nariyan ka na…siyam..sampu. Sa muling pag kakataon narating ko ang sampu pero walang ikaw na dumating tanging ang pangalan mong nakaukit sa semento ang aking na silayan.
Mahirap bumyahe ng walang kongkretong distinasyon. Isang byahe na hindi mo alam ang ruta at direksyon. Mag isa ko ng tatahakin ang daan. Wala ng byaheng dapat habulin, hindi ko na kailangang mag bilang pa dahil tapos na ang pag aantay. Liparin ko man ang kalsada'y wala na akong madaratnan, at sa huling pag kakataon na huli ako, wala ka na. Sa huling bilang ng isa..dalawa..tatlo..sanay malaman mong walang kasing sakit ang pag lisan mo…apat..lima..anim..patawad kung nahuli ako.. pito..walo..siyam..salamat sa iyong pag hihintay…at kasabay ng pag tuntong ng sampu isang kataga ng pag paparaya ang nais kong bitawan…mahal paalam.
10 years is such a long time. Kaya nga siguro hindi natin siya na-perfect. 😌 But we perfectly remember June 21, 2006. Miyerkules ng hapon sa U.P. Sunken Garden...naging tayo, officially. 👫 Hahaha. Ang kulit lang. 😜 Fast forward to 2016 and here we are, still together. ❤❤❤ We may have fallen out 💔 some years ago but we sure are making an effort for all those lost times. 👍😉 I love you now more than ever. 😍 Thank you for being patient with me (as I am to you...LOL!) 😄✌ I love you, Glenn. 😘 #glennnikit #sampu #isangdekada #pagibig
Salamat Manong driver at pinaramdam mo sa akin kung paano masuklian. Hindi na ako naghangad ng ganito, pero maraming salamat Manong! Ganito po pala yung feeling ng masuklian. Hindi man po buo atleast nag-effort po kayo na kahit wala kayong buo, na kahit pira-piraso na pinilit niyo pa rin maging buo. Salamat sa effort na gawin niyo pong buo. Na-appreciate ko po talaga. Maraming salamat sa effort. 😍😛💞✌ #sanaganitokarin #mamiso #sampu #hugot102
Harvest moon sa iPhone please.
Oya #Sampu @skiibii ya af cause whala here ooo..@iam_kcee @iam_emoney1 @itsmystro @lifeoftosa @2deeptunde @oluwamayzne
#Sampu by @Skiibii is fresh on www.Datjoblessboi.com . Visit for free downloads.