Wika ko
Simulan natin sa wikang Tagalog.
Ang tagal na bago ulit ako
nakalathala ng ganto.
Pasensya, kasi di talaga ako
bihasa sa pagsusulat
pagdating sa sariling wika.
Pero.. sinusubukan ko.
Hindi naman sa ayoko
o,di ako proud maging Pilipino.
Nahihirapan lang talaga ako
pagkat...nabubulol ako.
Nabubulol ako
sa ganda ng wikang ito
pagkat isa siya sa mga
wikang iniibig ko.
Na kapag naririnig ko siya
o nababasa...napapaisip ako.
Kung paano siya binuo
at saan binase ang konsepto.
Alam ko, alam ko,
may history naman
tayo na subject, tsaka internet.
Pero di lang naman
pangkalahatan na
impormasyon ang hanap ko.
Minsan ko nang naisip na
may mga bagay na
natatago’t nababago
mula sa mga salitang
nagbubuo ng iba’t ibang
konsepto.
Sa ibang salita,
may mga bagay
na hindi mo basta basta
makikita o malalaman
sa pagbabasa at pakikinig
lang ng mga salisalita.












