seen from China
seen from Russia

seen from Australia
seen from France

seen from Singapore

seen from United States
seen from United States
seen from Türkiye

seen from United States

seen from Singapore

seen from Singapore
seen from United States
seen from Germany

seen from United States
seen from United States

seen from United States
seen from Germany

seen from United States
seen from United States
seen from United States
pasada
pumasok kami nang maaga ngayon. kaiba sa nakasanayan naming oras ng pások mula pa no'ng first year kami. gustong-gusto ko ang pumapasok nang maaga; habang malamig pa; habang gustong-gusto ko pa ang dampi ng hangin sa balat ko. kahit masikip ang nasakyan kong dyip, masaya at kuntento akong pumikit matapos iabot ang bayad. ninamnam ko ang tinig na pumapailangilang mula sa earphone ko. hanggang isang malakas na paghinto ang nagpamulat sa akin. kung wala ako sa pokus, tiyak na tumalsik na ako padulo. pinagmasdan ko ang paligid. halos nása gitna kami ng daan. may liwanag na palá; sumisilip na ang araw.
malamig naman pero halos makita ko ang unti-unting namumuong butil ng pawis sa drayber. ilang beses niya kasi sinubukang paandaring muli ang dyip pero gaya ng pabugso-bugsong kaba sa dibdib naming mga sakay na estudyante, putol-putol din ang buga ng makina. ang akala naming tuluyang pag-usad ay biglang pagsadsad kalaunan. hanggang sa nawalan na rin talaga ng hininga ang sasakyan. kinapos na; ubos na.
lumipas pa ang ilang sandali, may mga dumaraang dyip na rin. at sa sumunod na bakante'y pinalipat na kami. nagdadalawang-isip pa kami kung bababâ ba o mananatili lang doon kahit na malaki ang posibilidad na mahuli kami sa mga klase.
kahit nagugulumihanan, dahan-dahan kaming lumipat. nang makaupo na kami nang matiwasay, nakita ko ang drayber namin na ipinapása na rin ang mga pamasahe namin sa drayber ng bagong sinasakyan namin. at habang palayo siya sa amin at palapit sa dyip niyang bukás na ang harap, bakás ang panlulumo at panghihinyang sa kaniyang mukha. hindi ko mawari pero nalulungkot din ako para sa kaniya.
umaga pa lang, maaga pa, pero tilà ba pagál na pagál na agad si kuya. mababanaag sa mukha niya ang pagkayamot pero mas lamáng ang pagkalugmok; ang pagkabigo. kayâ sa saglit na inupo namin sa bagong dyip, tangan-tangan ko ang naramdaman kong 'yon. hanggang pagtawid, hanggang pagsakay pang muli ng isang dyip, hanggang sa unibersidad, at tingin ko, hanggang matapos ang araw.
sana makabawi si kuya at magkaroon ng magandang pasada.
[03-14-24]
“uuh piccolina” has been on my mind for the past twenty-four hours and i don’t know how long it’s going to stay there
Mahmood - Talata (٣)
Tiis lang. Baka bukas, mas okay na.
Baka bukas, mas magaan na. Baka bukas, kaya na.
~non
Gawan mo ko ng tula
Kahit hindi mahaba
Gawan mo ko ng talata
Kahit walang tugma
Yes, I’m tired of being the only one who’s all ears for everyone who wanted to rant their problems and feelings, but I set aside the thought of being exhausted because I care. I don’t want them to think that no one cares, because I knew the feeling and I’m familiar with the pain that comes with it.