Eto. Noon naiinis ako sa mga taong mabilis magselos. Yung tipong may kumausap sa mahal mo na iba, tampo ka na. Yung ngumiti lang sa isang text ang jowa mo, nagduda ka na kahit may nag-gm lang pala ng joke sa kanya. Yung naglike o nagcomment lang ang ex niya o crush o kahit sino sa post nya, nagagalit ka na. Yung hindi lang nakapagreply agad yung jowa niya, napapraning na. Ang dami kong kakilala na ganyan. Isa na si superman ko, si mariezen de paz. Sobrang selosa yan. Medyo naiinis pa ko sa kanya noon kasi napakaselosa pagdating sa jowa, kahit sa bestfriend. Pero iniintindi ko na lang siya. Kaibigan ko eh. Tapos isang beses nag-uusap-usap kami about sa selos tapos nasabi ko ata na kung ako mapupunta sa sitwasyon niya o magkajowa man lang.. di ako magiging selosa. Pero alam mo sabi niya? Mas matindi pa daw akong magselos kesa sa kanya. Mas selosa daw ako. Hindi ko lang daw siguro napapansin noon kasi wala naman ako jowaers nung panahong yun (magpahanggang ngayon naman) Nagtaka pa ko nung sinabi niya yun. At hindi talaga ako agree. Kasi feeling ko hindi naman talaga eh. Para sken pag mahal ko, pinagkakatiwalaan ko. Pero ngayon, napatunayan ko na.. oo nga. Mas matindi pa ata ako magselos sa kanya. Sobra pala talaga kong selosa. Tipong naglike lang yung ibang babae sa status ng mahal ko, gusto ko na awayin. Ewan!! Di ko naman magagawa eh. Wala kong karapatan. Sino lang ba ko para kay ic? Wala. Kaklase lang ako.. kaibigan lang.










