tagalog na salin ng mga sangay ng agham at sipnayan (i.e. a long list of tagalog words i would never ever want to forget)
References:
Mujar, R. (2018). 10 Uncommon Filipino Words. https://ronald707200093.wordpress.com/author/ronaldmujar29/
i dunnoo how to properly cite articles from wikiiii dgshagdhgfd but here’s the link
Agham (siyensya) - Sistematikong pag-aaral ng mga datos at impormasyon para sa malalim na pag-unawa ng mga kaalaman.
Sipnayan (matematika) - Nagmula sa mga salitang "isip" at "hanayan" na tumutukoy sa pagsasapormula ng mga konhektura sa pamamagitan ng matematikal na pagpapatunay.
DALAWANG PANGUNAHING SANGAY NG AGHAM
Natural na Agham - Liknayan, Kapnayan, Agham Pangmundo, Haynayan
Liknayan/Hipnayan (pisika) - Pagkalahatang pagsisiyasat sa batas ng kalikasan at pag-unawa sa proseso ng lahat ng materya at enerhiya sa espasyo-panahon.
Kapnayan (kimika) - Pag-aaral sa paraan ng pag-asal ng mga elemento at kompuwesto (compound) na bumubuo sa ating katawan, mundo, at maging sa buong uniberso.
Agham Pangmundo - Tumutukoy sa pagsisiyasat ng lahat ng uri ng agham na may kinalaman sa planetang Daigdig—ang natatanging mundo na nagtataglay ng buhay.
Haynayan (biyolohiya) - Ukol sa pag-aanalisa ng buhay at lahat ng organismong may buhay, kabilang ang kanilang pisikal at kemikal na mga proseso, estruktura, ebolusyon, at taksonomiya.
AGHAM PANLIPUNAN
Dalubtauhan (antropolohiya) - Pag-aaral sa lahat ng aspeto ng kalikasan ng tao mula sa kasaysayan at kasalukuyan. Kasama rito ang lahi, kultura, paniniwala, pag-uugali, atbp.
Dalubwikaan (lingguwistika) - Tumutukoy sa pagsisiyasat ng mga wika ng tao, mga pinagmulan nito, ebolusyon ng lenggwahe, at paano ito nakaaapekto sa kultura at lipunan.
Ekonomiya - Nagpapatungkol sa kalakalan ng pagkonsumo at produksyon ng isang bansa, at lahat ng mga haliging nakapaloob sa paggawa, pamamahagi, at produksyon.
Dalubisipan (sikolohiya) - Pag-aaral at pag-intindi sa isip at ugali ng isang indibidwal, kalakip ang kanyang kamalayan, damdamin, pakiramdam, at iba pang aspetong kaugnay ng utak.
Dalubulnangan (sosyolohiya) - Pagtalakay sa mga konsepto at alituntunin ng lipunan at mga kasapi nito. Kasama rito ang pag-aaral sa mga proseso, ugnayan, at buhay panlipunan ng isang tao, grupo, o lipunan.
Pilosopiya - Mapagsiyasat na pagtalakay sa mga pinakamalalim na katanungang kayang itanong ninuman, at naglalayong sumagot sa mga suliraning pilit na inuunawa ng sangkatauhan
Kasaysayan - Pagtatala ng mga pangyayaring naganap sa nakaraan na nagkaroon ng malaking epekto sa pamumuhay ngayon. Ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng pag-iimbestiga sa nakalipas na panahon.
Dalubhanwaan (agham pampulitika) - Pag-aaral sa mga penomenon na mayroong kinalaman sa politika, pamamahala, at batas. Kalakip nito ay ang pagsusuri sa paterno at proseso na may kinalaman sa kapakanan ng estado, mga mamamayan, at namumuno nito.
MGA SANGAY NG SIPNAYAN/MATEMATIKA
Bilnuran (aritmetika) - Tinatalakay dito ang mga batas ng tradisyunal na operasyon gaya ng pagsusuma o pagdadagdag, pagbabawas, pagpapadami, at pagpapahati. Kadalasang naihahalintulad ito sa teorya ng bilang (number theory).
Bahagimbilan (praksiyon) - Paghahambing ng rasyo ng mga halaga kaugnay ng kanilang numerador (numerator) at denominador (denominator).
Tumbasan (ekwasyon) - Matematikal na pangungusap na nangangahulugang ang dalawang ekspresyon at mayroon ekwalidad, at ginagamitan ng simbolong “=“ na nangangahulugang ikwal o magkatumbas.
Panandaan (alhebra) - Pag-aaral sa batas ng mga operasyong matematika, ugnayan (relation), at paglikha ng mga konsepto na nagmumula sa mga ito gaya ng mga termino (term), polinomial, ekwasyon, at strakturang alhebraiko.
Palautatan (estadistika) - Paglilitis at pagsusuri sa mga datos o impormasyon. Kaugnay nito ang pagtitipon, pagoorganisa, pagsisiyasat, at pagbibigay kahulugan sa mga numerikal na impormasyon.
Tatsihaan (trigonometriya) - Pag-aaral sa logaritmo ng mga tatsulok, partikular ang kaugnayan ng mga gilid, sulok at anggulo nito. Kaakibat nito ay ang pag-unawa sa mga siklikal na penomena ng hugis.
Sukgisan (heometriya) - Nag-aanalisa sa mga hugis, sukat, at relatibong posisyon ng mga pigura batay sa katangian ng mga ito sa isang espasyo.
Tayahan (kalkulo) - Sistemang ginagabayan ng mga simbolikong manipulasyon ng mga ekspresyon. Kasama rito ang mga hangganan (limits), deribatibo (derivatives), integral (integrals) at seryeng walang hangganan (infinite series).
p.s. for other tagalog sci and math terminologies, visit Yao, H. (n.d.). Mga Salita Sa Agham at Sipnayan sa Filipino (Words in Mathematics and Science in Filipino). https://www.scribd.com/doc/194410375/Mga-Salita-Sa-Agham-at-Sipnayan-sa-Filipino-Words-in-Mathematics-and-Science-in-Filipino
Isang madilim na gabi, ubot ng lagim. Ginaw na umaapaw, sa'king isipan. Ano na bang nangyayari? Bakit may ganito? Lagi na lang ba negatibo? Halimbawa kanina, yung math test namin sa exam, naku.. sayang 50 points. Mahirap nga. Ubod ng hirap. Nagsalikop ang kamay ni BAD NEWS at KAPALARAN. Yan tuloy, hahanap na ako ng bagong matitirahan, lalayas ako.
BAKIT KO PA KASI BINAGSAK 'TONG MATH, Paborito ko naman ito dati, bakit ngayon, di na? May sira ba sa andar ng buhay ko? Nakakulong ba ako sa maliit na kulungan? Stagnant na nga talaga ang buhay ko. Wala nang karamay, sarili na lang.
Kahit sinong tao rito, may mga pagkakamali rin. Sabi pa nga ng iba, matututo sa pagkakamali. Bakit ganoon, ilang beses na nga akong nagkamali, hindi pa rin ako natuto?! Nakainis na ito sa totoo lang. Kailan kaya darating ang araw na manumbalik ang dating Greg? Malabo na-------- :(