Magsisihan
Hindi na maitatatwa
Banta ng paghihiwalay
Kulang na kulang sa tawa
Ang pagsasamang matamlay
Ang ugnayang nabubutas
Parang barkong lumulubog
Pilit na inililigtas
Sa alon ay binubugbog
Matatalim na daliri
Ang nakaamba sa mukha
Nagbabatuhan ng sisi
Sino nga ba ang may sala?
Litung-lito na ang puso
Pagod na ang kaluluwa
Isipan ay gulung-gulo
Ubos na ang mga luha
‘Di pa rin natitigatig
Ang yabang ng bawat isa
Parehong ‘di padadaig
Sa hirap at pagdurusa









