Support Local Indie Music AU (SLIM AU)
Hello, guys, Addie here. Matapos ang mahabang pagsusulat (hindi talaga yung pagsusulat yung matagal, naparami lang talaga ng acads ngayon), tapos ko na ang SLIM AU! Hindi ko sure kung durugtungan ko pa ‘to sapagkat kahit ang UPD Profs AU ay hindi ko pa nagagawan ng third chapter. Whatever. Ito na.
Warning: Medyo NSFW. Medyo lang.
Disclaimer: Mga pangalan, vague historical references (hindi as, you know, actual historical references) at mga mukha ng artista lang ang gamit ko dito. Walang ugnay sa kasaysayan ang gawang ito. For reference, gamitin ninyo yung sinulat kong SLIM AU headcanon.
Paghingal at paghabol-hininga lang ang maririnig sa maliit na silid sa kaloob-looban ng gusali.
Sa labas, malakas na ugong ng mga tambol at mabigat na gitara ang bumabagsak. Niyayanig ng musika ang apat na pader na nagkukubli sa kanilang sandali.
"'Wag kang maingay kung ayaw mong mabisto tayo," bulong ni Gregorio sa tenga ng kasama.
"H-Hindi naman nila tayo maririnig, sa ingay sa lab--as," sagot ni Paco, utal at mahina.
Nakatulak sa isang pader si Paco, namumula at pawis. Iniipit siya ni Gregorio, na siyang dahan-dahang kinagat ang leeg nito at unti-unting bumababa ang mga kamay: sa buhok, panga, leeg, dibdib, pusod, at ngayo'y nahihimlay sa bewang at butones ng pantalon ng kasama.
"Goyong," himutok nito, na tila inip na inip na sa kahihintay.
"Ito na, walang pasensya." Mababa't garalgal ang boses ni Gregorio. Idiniin niya ang sarili niya sa kasama.
"Ah--"
Sinalo ni Goyong ang tinig at ungol gamit ang kanyang sariling mga labi. Hinalikan, pinaglaruan, at tila nilunok ang mga hininga't ingay na lumalabas naman bilang kanya.
"Gregorio, ng-ngayon na..."
"Teka--"
"HOY! NAIIHI NA AKO!"
May mabigat na mga katok at dabog sa pintuan.
"Kanina ka pa diyan, Paco! Ang tagal mo naman! 'Wag mong sabihing najebs ka na naman ah!"
Natigil sa pagtanggal ng sinturon si Gregorio. Sumalampak pasandal sa pader si Paco, halong balisa at naiinis.
"Paco, oy!"
Umubong konti ang tinawag. "Sandali lang!" Nagsuot ng damit at naghilamos sa maliit na banyong kinatataguan nila.
Bumulong si Gregorio. "Paco, 'wag ka nang lumabas."
"Paano sila Rusca?"
"Hayaan mo na sila. Lagi namang nakabuntot sa iyo ang mga asong 'to, parang mga gwardya sibil." Nagdamit pa rin kahit nagrereklamo si Goyong. "O kaya naman, ikaw, dalaga. Eh sing-busilak nga ng damdamin ng isang dilag--"
"Oy, ano ba! Sasabog na'ng pantog ko!"
Sa asar, nagbukas na ng pintuan si Paco.
"Masaya ka na?" Mababang sabi nito sa kaibigan. Napatuwid ng tayo si Rusca, sabay silip sa likuran niya.
"O. Bakit nandito ka, Goyong?" Nanliit ang mata ni Rusca, sumama ang tingin sa hinuhusgahan.
May kaunting sama ng loob na mararamdaman mula sa binata kung ang kausap o ang pinag-uusapan ay si Gregorio. Higit pa diyan, ganito rin ang makukuha mong reaksyon sa iba nilang kaibigan, lalo na kung madadala ang pagiging magkabanda nila ni Paco. Sa pananaw nila, tila nagtapon ka ng basura (Goyong) sa isang malinis na batis (Paco). Pinagtatanggol nilang panatilihing dalisay ang kaibigan nila kaya madalas sa hindi ay bantay-sarado ito. Maging si Manang Claring na bartender at self-proclaimed nanay ng Route ay nakaantabay kung nariyan si Gregorio.
Kung alam lang nila.
"Eh kailangan ko ring magpalit ng damit," sagot ng tinanong ni Rusca. "Magkaibigan naman kami ni Paco 'di ba? Sumabay na ako."
"Magkaibigan," nangungutyang sabi ni Rusca. Tumulak papasok ng banyo ang makulit.
"'Wag ka na kasi. Tutugtog na rin kasi kaming sunod. Magkabanda rin naman kami ni Paco, 'di ba?"
"Ikaw, 'di uso maghintay sa iyo, ano?" At bilang may alam kung ano ang ibig sabihin ng hindi makapaghintay, itinulak ni Rusca palabas ang dalawang lalaki, at saka idinabog ang pinto.
"Hindi talaga," bulong ni Goyong sa nakasarado nang pinto, sabay silip kay Paco mula sa gilid ng kanyang mga mata. Humarap. Lumakad pang papalapit nang konti at bumulong muli. "Kung hindi lang talaga ikaw, hindi na ako nakapagpigil."
Lumakad at nilagpasan ni Gregorio ang lalaking parang kanina lang ay hinahagkan niya. "Kunin mo na yung bass mo. Tutugtog na tayo."
Sinilip ni Paco ang entablado mula sa lounge kung saan nakatayo sila. "Sino na ba ang tumutugtog?"
"Si Manuel na. Patapos na rin siya."
"Full band ba siya ngayon?"
"Hindi. Nasa trabaho kasi yung drummer at bassist niya kaya hindi makatugtog ngayon."
Tumungo sa likod ng isang upuan si Paco at kinuha ang bass niya. May ilang mga babaeng nakakilala sa kanya at ngumiti, kumaway. Nginitian niya rin sila, ngunit umalis din agad upang manatili sa tabi ng kabanda niya.
"Ang lagkit ng tingin sa 'yo ng mga 'yon ah," ani Goyong, kalahating tago ng dilim at kalahating naliliwanagan ng makulay na mga ilaw ng Route 196.
"Fans lang ng banda," sagot ni Paco.
Tumawang nang-aasar si Gregorio. "Fans." Sumilip sa mga babae sa likuran nila. Nakatinging makahulugan pa rin ang mga babae sa direksyon ni Paco. Hindi na lang umimik ito.
Kasing-hina ng isang paghinga, sinabi ni Gregorio, "Pagdating natin sa sasakyan, hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa."
Narinig pa rin ito ni Paco. Tila uminit sa loob ng gusali; dahil ba sa pagdami ng mga taong nagsisiksikan sa tapat ng entablado o dahil ba sa mga salita ni Gregorio?
"Tara na," siko nito sa kanya. Bitbit ang mga instrumento, sa kasagsagan ng mga palakpakan at pagbaba ni Manuel mula sa upuan, tumungtong sila sa ilalim ng mapanuring liwanag ng mga bughaw at pulang ilaw.
"Nice set," bati ni Paco kay Manuel. Matagal nang magkaibigan ang dalawa't naging taga-suporta ng isa't isa pagsalta sa buhay-musika.
Niyakap ni Manuel si Paco at ngumiti. "Salamat, Paco! Excited na akong mapanood kayo ulit!"
Inabot ni Manuel ang guitar jack niya kay Gregorio. "Uy, Goyong! Kamusta? Nanunulot pa rin ba ng mga panty sa moshpit?" Humalakhak.
"You know me," kindat ni Goyong sa kaibigan. Nagkakahalubilo lang sila sa mga gig, ngunit nagkainuman na't nagkakwentuhan ang dalawa nang higit sa walong beses. Tumawang muli si Manuel, at ang mga bakas sa mukha niya na ang nagdidiktang mabubuhay siyang matagal, puro ngiti't tawa.
Pumukaw sa malay nila ang tinig ng babaeng nagsasalita sa mikropono. "...kaya, kung nakalimutan niyo na o masyado na kayong lasing--" tawanan mula sa mga tao sa bar, "--ako ang host niyo ngayong gabi, Isabel! Just for a quick recap, in case you missed it, katatapos lang tumugtog ng Teniente; that's Manuel Quezon flying solo tonight.
"We also had Panadero before that, missing one member with Eduardo Rusca, Jose Bernal, and Manuel Bernal, and before that was Artikulo Uno, with Antonio Luna," sinipulan ng mga tao si Isabel dito, "Noel Luna, Benny Natividad, and Vic Garcia."
Diniliman ang ilaw sa harapan maliban sa spotlight na nakatutok kay Isabel. Ang mahaba niyang buhok ay nakalugay sa isang balikat, at kahit hindi mo siya kilala, kita mo na agad sa tindig at kilos niyang dala niya ang lahat ng armas niya sa mukha ng nagbabadyang digmaan. Napakatatas, napakatapang, at napakaganda pa--hindi nakapagtatakang malakas ang dating niya parehong sa ibabaw at ibaba ng entablado.
"Abangan pa natin ang ibang bands, tulad ng Pinaglabanan, with newly weds Andy Bonifacio and Gregoria, Without Seeing The Dawn, and our last act for the night, with Miong Aguinaldo, Pule Mabini, Pedro Paterno, Phil Buencamino, and Jj Janolino, Singkong Butas!"
Hiyawan ang mga tao, lalo na sa pangalan ng huling banda.
"For now, let's give ourselves up to the smooth sounds of the next band. With Sim Arboleda on the drums, Mac Sakay on guitar, Paco Roman on bass, topped off with Gregorio del Pilar on vocals and guitar, ito na..." Nagsisigawan at nagtitilian na ang lahat. May nakasingit pang, I love you Greg! Pagkarinig dito, mula sa gilid ay tumawa si Manuel. Napailing si Gregorio.
"Coffee Stains!"
Kasabay ng pagbukas ng ilaw ang pagpalo sa mga tambol ni Sim. Sinundan ng senswal na gitara at isang mababa at kaakit-akit na tinig; nilunod ng makukulay ngunit maiinit na ilaw ang entablado.
Don't pay mind to the world outside Our heat, your lips, my voice Don't hide your face behind those fingers There's only me, the rest is noise
Nasa unahan si Goyong, nakapikit ang mga mata't nakatuon ang pansin sa mga galaw ng kanyang daliri sa leeg ng gitara't sa mga salitang pinapain niya sa bawat taong nakikinig at naaakit.
If it don't rain, will you pretend? Lights off, this room, my lies Baby, street lights look good on your skin Take off tonight, tomorrow's goodbyes
Sumulyap si Gregorio sa bahistang tila may sariling mundo sa sulok ng entablado ng Route 196. Nakakagat sa labi, nakatingin sa baba, buhok na nakakalat sa noo niyang basa ng pawis. Kung uso siguro sa bokalistang kabahan, nanunuyo na ngayon ang kanyang lalamunan.
Tinuon niyang muli ang sarili sa paggitara't pagkanta. Umaasa na lang siyang may tamaan ang bato-bato sa langit.
You know I don't love I know you're smart enough You never pull away from me I push, I touch, I'll leave debris
Playtime's over, whoa The hunt begins right now You know that it'll hurt a bit I'll ruin you, you'll writhe in it
Parang pelikula kung saan nalilimutan lagi ni Paco ang lahat ng tao sa paligid tuwing tumutugtog siya. Masayang tumugtog, at mahal niya ang musika, ngunit hindi ibig sabihin nito ay may lugar para sa pagkakamali. Natatakot siyang sa diin ng kagat niya sa kanyang labi ay dumugo na ito. Nakafocus siya sa pagtugtog ng bass; bawat tunog at dulas at pasok ay tama at perpekto.
At heto na, pumapasok ang guitar solo. At siyempre, heto na rin, nagyayabang at nagpapakitang gilas na naman si Gregorio sa audience. Nakamasid sa bawat galaw niya ang mga manonood, sa paglakad man mula rito sa isang bahagi ng sahig patungo sa kabila o ng mga daliri niya mula sa isang fret patungo sa iba pa.
Kung aamin si Paco, bitin na bitin ang naudlot nilang...pagsasama ni Goyong kanina. Hindi nakatutulong ang kanta sa sikip ng dibdib (at pantalon) niya.
Mas lalong hindi naman dahil si Gregorio ang kumakanta nito.
Hindi namalayan ni Paco na natapos na ang unang kanta, kahit na tumigil na rin ang mga daliri niya sa pagkapa sa gitara. Tumingala siya't nagpunas ng pawis sa manggas ng damit. Nagsasalita ang banda.
"Salamat, sa pagpunta't pag-inom kasama namin," ani Mac. Palakpakan mula sa mga manonood. "Hello nga pala sa inyong lahat. Abangan niyo yung album namin!"
"Malapit nang matapos 'yun," pahabol ni Sim mula sa likod. "Salamat sa suporta ninyo!"
"Inuubusan niyo na ako ng sasabihin," pakli ni Goyong. Tumawa silang lahat.
"Sus, ikaw? Mawawalan ng sasabihin?" Sigaw ni Rusca mula sa likod. Tawanan ang buong bar.
"Sige na, ako na ang madaldal. Pero salamat nga sa inyong lahat," uminom saglit ng beer ang frontman. "Usap tayo mamaya pagkatapos ng set."
Tumingin siya kay Paco. "Paco, ikaw? Hindi ka ba magpapasalamat?"
Nagkatinginan ang dalawang sandali bago ibinaling ni Paco ang kanyang tingin sa lahat ng nanonood. "Ah, maraming salamat po sa inyong lahat. Malaking karangalang mapanood ninyo."
Naghagikgikan ang mga babae sa harapan. Tunay ngang habulin ng babae si Gregorio, na mapaglaro't mapang-akit, ngunit kung uusisain ay mas seryoso ang mga nahuhumaling sa katahimikan at pagiging seryoso ni Paco.
Napansin ng huli ang mga babae, at kinawayan ang mga ito. "Hello din sa inyo!" Maliit na ngiti.
Hindi inalis ni Goyong ang mga mata niya kay Paco.
"Itong next song namin, ay isang love letter." Hiyawan na naman.
Umatras ng isang hakbang si Gregorio. Tumingin sa kanyang gitara. Bumilang si Sim.
"One, two, three!"







