Tatlong Emosyon
therealhobi
Ngayon, kita niyo naman na nag sasalita ako dito. Sa harap niyo.
Pilit kong hinuhugot lahat ng posibleng salita na babagay para sa tulang ito.
Mga salitang makapagbubuhos ng kung ano mang nararamdaman ko, ngayon.
Tuwa, sakit, galit, ang nararamdaman ko tuwing nakikita kitang kasama siya.
Kasama siyang kumain, maglakad, tumambay, maggala na `di alintana kung
saan kayo mapadpad basta kayong dalawa ay masaya.
Tuwa. Ang naramdaman ko nunng mga araw na sinagot mo ako. Dahil sa tinanong kita.
Kung saan ang papunta sa ganito. Kung saan papunta ang tayo.
Pero di pa jan nagtatapos, natatandaan mo ba? Isang araw, pinangakuan mo ako ng
habang buhay, sobrang tuwa ko noon pero sa isang araw natapos din yung pangako mo.
Mas madali pang paniwalaan ang salitang “Tara libre kita” kaysa sa salitang “mahal kita”
Bakit kapag kinikiliti natin ang sarili natin hindi tayo natatawa. Pero kapag iba ang
Nangiliti sa atin labis ang hagikgik at tawa. Talaga bang kailangan ng iba para sumaya?
Kalokohan. Sa pagmamahal masasaktan ka, kaya mangulangot ka nalang makakahinga kapa.
Bubuti ang pakiramdam mo at tuloy lang ang buhay, may ginhawa at satispaksyon.
Dahil sa panahon ngayon gadgets na ang iniingatan at tayo na ang pinaglalaruan.
Sakit. Dahil akala ko na may tayo pa, ako pala `tong umaasang baka pwede pa.
Sabi nila marami raw namamatay sa maling akala, kaya pala patay na patay na ang
puso ko sa pag-aakalang mahal mo din ako, na minahal mo din ako.
Yung akalang hindi moko iiwan, yung akala kong salitang “mahal kita” ay maririnig
ko pa ngayon, yung akala na hanggang ngayon sumasagi parin ako sa isip mo.
Nung nahulog ako noon sa puno, masakit pero mabilis akong tumayo, nagpagpag at
lumakad na parang walang nangyari. Pero nung nahulog ako sa mga kasinungalingan
mo , masakit ngunit umasa akong itatayo mo ako pero tumalikod ka at kinalimutan
ang mga nangyari.
Galit. Sabi mo pagod kana, eh sino yang kasama mong magpahinga?
Sobrang minahal kita. At alam naman natin na ang lahat ng sobra ay
masama at ang lahat ng masama ay pangit. Tinanong mo ako dati diba kung
maganda ka, tapos sabi ko lang “san banda?” pero ngayon sasagutin na kita.
Sobrang ganda mo. Sobrang ganda ng ugali mo.
Sobra akong nasaktan dahil para kang pagkain na isusubo ko nalang ay
Malalaglag pa. Ako naman `tong si tanga, hindi na nga nakalaan para sa akin
pilit ko paring pinupulot kahit alam kong madumi na.
Hindi ko alam kung bakit gustong gusto nating gawin ang mga bagay na
alam nating ikakasama o ikamamatay natin.
Kung iniisip niyong humuhugot ako ng mga salitang babagay sa tulang to at
sa kung anong nararamdaman ko ngayon eh, tama ka. Tama, dahil naniniwala ako na
masasabi mo lang na tuluyan mo na siyang nakalimutan kapag kaya mo nang tanggapin
at harapin ang katotohanang wala na. Tapos na. Tuwa, sakit, galit.
Parang lahat ng salitang pwede kong sabihin inubos mo na. Yan nalang ang natira.