sobrang dami, na, tuloy, wala na.
aking balat ay nahahaplos ng kalambutan at kababaan ng loob ng hangin sa di nito natural na anyo. tila baga nalilihis ito ng landas palayo sa paghahandog-hininga’t nalalapit siyang maigi sa dulot kong karahasan. pakiramdam ko’y lahat ng nadidikitan ko’y namamatay ―sa pang-unawang ang kinatatakutang puntong ‘yon ng buhay ay siyang simpleng nakapangyayamot lamang. dahil ano na(?) pagkatapos no’n(?) pagkatapos ng lahat(?) wala na.













