“Tulay”
Sa pagitan ng tulay ay ang mundo mo at mundo ko
ngunit mas pinili mong magkalayo tayo
isang hakbang, dalawang hakbang tanaw ang lungkot mo sa kabilang dulo
nakikita sa mga mata mo ang pag hingi mo ng saklolo
Ang tulay na pinatibay ng ating pagmamahalan
ay unti unting nabubuwag sa di alam na kadahilanan
natatakot ako na sa pag hakbang ko
ikaw ay mahulog at hindi na masalo
ngunit aking sinubukan sapagkat mahal kita
ngunit diko namalayan ating tulay biyak na pala
akoy napatingin sa dilim na tila nag nining-ning
ala-ala’y nawala itinangay ng hangin
pagmulat ko ng mata ko nasa tulay muli ako
laking gulat ko ng may luha sa mga mata ko
luhang sumisigaw sa mga ala-alang naligaw
tila nakalimutan na ang salitang ikaw
sa munting tulay ako ay nanatili
nag babakasakaling mahanap ang minimithi
aking natanaw ang isang bulalakaw
hiling sa aking puso, bumalik ang ikaw


















