Nakapagchat kami ulit. Ang ganda ng topic namin. Nakakakilig!
TOPIC: TUNGKOL SA FIRST DATE NAMIN.
So yun. Kinuwento niya sakin, pinaalala, pinaulit-ulit yung bawat pangyayari nun.
Eh, dahil hanggang ngayon kinikilig ako, sasabihin/ikukuwento ko ang pangyayari nun.
*Kinikilig *Nakangiti *Namumula *Nababaliw
- Usapan nun, magkikita kami sa capitol ng 4 pm. Umalis ako sa bahay ng 2.
- Nag palipas ako ng oras kala Junice (Kay dude ko.)
- Nanuod kami ng powerpuff girls, saka ng spongebob. Nagkuwentuhan. May sinabi siya sa akin ng isang napaka laking pasabog. Kinilig ako sa sinabi niya.
- Mag t-three, tinawagan ko siya. Miss ko na eh. :p
- Nag usap kami. Ni-loudspeaker ko siya, request ni dude eh. *insertcheesytopic here*
- 4:30 at umalis na ko kala dude. I know, filipino time talaga. Haha!
- Nasa jeep na ko. Kinakabahan na excited. Katext si Junice.
- Nasa capitol na ako. Pumunta ako sa isang bench na malayo sa sibilisasyon. Nyaha!
- 10 mins. Wala pa siya. Hmp. Nagsoundtrip ako. Nag emote-emote.
- 10 mins ulet wala parin siya. Tinawagan ko na. Sinagot niya.
- Tinanong niya ako kung nasan na ko. Sabi ko nasa may right part na dulo ng capitol na wala medyong tao na mapuno. Hahahaha!
- Nakita ko siya. Paparating. Naka white artwork tshirt. Nakangiti. Napangiti din ako.
- Nilapitan niya ako. Nakangiti parin. Umupo siya sa tabi ko. Tahimik.
- "Ba't ngayon ka lang? 5 na oh. 5:30 dapat nasa bahay na ko." with tampo effect.
- "Sorry na. Ambagal mag drive nung driver eh." with lambing effect.
- *Nagtatampo parin.
- Kinalabit ako. Tinignan ko siya, nakatingin din siya sakin. Seryosong tingin. Sabay, "Sorry na bash."
- Tumango ako. "Kasi oh. Dapat 5:30 nasa bahay na ko. Ilang oras, ay hindi. Minuto lang tayo magsasama. Sabi na kasing 4 eh."
- "Sorry na nga. Angkulet. Nagtatampo pa e." Sabay tingin sakin tsaka ngiti.
- Napangiti din ako. "Oo na sige na. Pasalamat ka lab kita."
- *insert kwentuhan* Nagjack en poy kami. Talo siya sa shotgun at araw ko. XD
- Pumunta kami sa 7/11. Bumili siya ng dalawang sting. "Unahan makaubos. Straight dapat."
- Game na. Ilang minuto lang, bumigay na ako. Ansakit sa tiyan, shet. Natawa siya. Pinamukha niya talaga sa akin na talo ako. Err. -_-"
- Bumili siya ng Nova, Piatos, Dorritos, Tempura, Lays, Skyflakes, Breadstick at dalawa pang pagkain na hindi ko na matandaan. Tas sabi, "Ubusin mo yan ha. Pataba ka." (Note: Nakatabi parin yung balat ng Nova hanggang ngayon.)
- 5:30 na. Nagpapaalam na ko. Nagmakaawa siyang wag muna ako umalis. Sinisi ko ulit siya na kung maaga lang siya dumating, matagal kaming nakapagsama.
- Tumayo na siya, nakaupo parin ako. Hinatak ko siya papunta sakin. Balak ko talaga i-kiss sa cheeks. Kaso, napatingin siya sa may cashier, napaisip ako, siguro nakatingin samin yung nag ca-cashier, kaya kunyari may binulong na lang ako. Dahil wala ako masabi, sinabi ko, 'I love you.' Ngumiti siya. Hanggang tenga.
- Nasa labas na kami nung 7/11, nagba-bye na ako. Nagkatitigan kami. "Oh? Ba't nakatingin ka ha?" Sabi ko. "Wala lang. Nagagandahan lang ako sayo." *blush*
- Paalis na ko, hinila niya kamay ko. Pagtingin ko sakanya, ki-niss niya ako sa cheeks. *superasdfghjklblush
- Tumawid na ako sa kabilang daan. Nagkatitigan parin kami. Nagba-ba-bye siya. Nag bye din ako. Sabay turo sa tiyan ko. "Masakit? Hahaha!" Sabi niya. Tumango ako.
- May dumating na na jeep. Nag bye ulit ako for the last time. Nagbye din siya. Last ngiti. *kiligblushkiligblush
- Otw sa bahay, nagtext siya. "Magtext ka pag nakasakay at nakauwi ka na ha. I love you so much bash. Miss na kita kagad."
- Instant reply, "Nakasakay na ako. I love you too. He! Mas miss kita. :("
- Nagreply siya, "Sige na, ikaw na. I love you ulit."
- *KILIGTOTHEMAXIMUMLEVEL* thee end.
So yun, habang nagkukuwentuhan kami, solid, namumula ako. Hahaha! Tas, tinukso pa niya ako, anseksi ko daw nun. Naka black sleevless kasi ako, grey denim shorts, vans saka shoulder bag na black. Naaalala pa pala niya suot ko nun. Grabi. Then yun, Inabot kaming mga 4 na oras sa ym ska skype. Palipat-lipat kami eh. Hehe. So yun. I had fun talking with him. As usual.