052612: THE REUNION.
Matapos ang matagal na pagpaplano na magkita-kita kami nila Einreb (@thunderingclouds) at Gezzerree (@mymelodyheartsyou) nangyari na! :D Namiss ko ang bestfriends ko since elem. :> MEG is le name of the group. :3 Kshare.
11 am ang usapan ng pagkikita sa SM-Dasma. At dahil hanggang 3 am magkausap pa kami ni Shin sa phone, nagising ako 11:21 na! Nagmadali akong bumangon, hinanap si mama para makitext, naligo ng mabilisan at umalis ng bahay.
1:10 pm na ako nakadating sa mall. Nakita ko sila sa tapat ng Onesimus nakaupo at naghihintay sa akin. Usap-usap tas nagdesisyon na na manuod ng movie. At dahil hindi na showing ang Dark Shadows wla kaming ideya kung ano papanuorin. Sa daan papuntang Cinema house, nakita namin si Shin. Tas yung kanta sa mall 'One Thing', oha! Kakilig lang kasi naman kinanta ko lang sakaniya yun kagabi. Tas ayon onting usap sakaniya. Tas tamang harutan lang kami. At tumuloy na kami sa Cinema.
Pagdating sa Cinema House, namili na kami ng movie, napili namin Men in Black III, pero yung standard lang, mahal kasi kung 3D ehh ganun din naman mapapanuod mo, pinagkaiba lang may shades ka sa loob ng moviehouse kung 3D. So ayon na nga, 1:50 ang start, one time viewing lang daw so dapat daw by 1:40 nakapila na kami. Ehh ayon pumila na kami, kasi ang haba ng pila, kaso gusto namin ng popcorn kaya bumaba kami, tas nakita namin yung highschoool crush ko na si kuya Kelvin Cabansay. Ayaw ko siyang batiin kasi baka di ako mamukhaan, kaso siya yung unang kumaway at bumati with matching killer smile niya. Ayon wala na, namatay na ang lola niyo sa kakiligan. :""""> Tas bumili na kami ng popcorn, tumblr lang binili nilang dalawa, akin bucket. Matakaw kasi ako ehh. Tsaka sobrang bitin sakin ang tumblr kapag nanunuod ng movie. Kaya ayon.
Tas pumasok na kami sa movie house, occupied na yung gitna so dun kami sa left side. Tas pinakita na mga trailler, basta andami namin sinasabi sa mga trailler lalo na sa Snowhite and the Huntsman, ang tagal na kasi ng trailler tas di padin showing. Wala lang, nacucurious lang kami. Tas sa buong movie tawa kami ng tawa, nakakatawa naman kasi ang Men in Black diba? Tas ang ganda lang niya. Hahaha! ayaw ko magspoil, baka di niyo pa napapanuod ehh. Basta panuorin niyo maganda. Mas maganda pa sakin. :3
After ng movie naisipan namin kumain, kaso dating gawi. Di namin alam kung saan kakain at kung ano kakainin. Hanggang sa nagsuggest ako kumain ng Crepe, kasi naman 1 week na akong nagccrave sa crepe, tas ayon nagcrepe nga kami. Sa Karate Kid. Ang mura nga ehh 69 php. Masarap naman ehh. Fail nga lang masyado kasing malambot yung pancake. So ayon ang kalat ng kain namin. Pero nagenjoy naman ako. Kasi nakuha ko yung satisfaction na hinahanap ko. Tas dun namin tinuloy ang kwentuhan. Chika-chika. Tas nalaman ko na crush nila si Victor ang aking karma. Sayang daw kami. Ayon. Hanggang sa napunta ang usapan sa mga elementary klasmeyts namin. Inisa-isa talaga namin. Tas nauwi kay Marc James, yung first love ko. Ang sarap pagkwentuhan kasi ramdam ko yung pakiramdam ni Gezai, niligawan kasi siya ni Marc James ehh. Tas ayon, same story talaga. Tas narealize namin na pinagtitinginan na kami, kaya umalis na kami. Tas nagpapicture kami kasi di uso samin ang picture, for the sake of remembrance ayon nagpapicture kami. Maganda.. Maganda ang kinalabasan. Hahahahaha! Magaganda naman kasi kami. Kaya ayon.
Mga 630 pm na, nagyaya na si Gezai umuwi kasi walang tao sakanila. Nasa Makati kasi pinanuod si Joe Jonas, ehh delikado sakanila, kasi after ng bus magttrike pa siya. ehh wala siya kasama. Kaya ayon. Bumili muna kami ng dinner niya tas umuwi na. Tas ayon, mga 800 pm nasa mendez na kami. Sa lola ko ako bumaba dun kasi ako dadaanan nila mama. Kaya ayon. Sa biyahe inaantok-antok na kami ni Gezai. Napagod kami ehh. Wala nadin mapagkwentuhan kasi naubos na kanina kakakwento.
Overall. The best ang araw na 'to.
Yung kahit na ang tagal ng lumipas ng huli namin pagkikita, madami ng nagbago nung nagkasama-sama kami WALANG NAGBAGO. Kami padin yung mga babaeng mahilig maglaro sa kumbento, kami padin yung mga babaeng luka-luka. Mga babaeng pagmagkakasama walang problema. Ang sarap sa pakiramdam na matapos ang isang dekada magkakaibigan padin kami. Hanggang sa pagtanda. ;)













