18 days nalang! WOHOOO! Nga pala, kumustang araw nyo? Ang saya ko ngayon kasi ang aga naming umuwi kanina. Hahaha. Nagmeeting kasi yung mga Engineers and then they let us go home. Tas ang taas pa ng score ng grupo ko kanina. Wohooo! Tas pinuri pa ko ng guro. Lol. Ang sarap sa feeling. Nakakaumay din pala yung paulit-ulit yung ulam no. Lol. Wala. Basta. And ang biliiis ng panahon. Bukas Thursday na ulit. TTH na naman sila. Tas biglang magdeDecember na.
Nakikita ko na kasi yung mga batang palaboy sa kalsada, nagcacaroling na. Kahapon lang ata. Oo. Tas alam mo yung moment sa jeep na may nakatitig sayong HOT na tao, ang awkward lang. Di mo alam kung anong gagawin mo, san ka titingin, titingin ka din ba sa kanya. Lol. Timang lang. Tas pag ikaw yung unang bumaba, tititigan ka pa rin hanggang sa makalayo na ang jeep. What. Bahala ka na, baka ako pa ang mabangga pag di na ko tumingin sa daan.
This just in: May isang stranger na nanghihingi ng pabor na ilike ko daw yung profile pic niya. Sorry, why ask persons to like it? Diba? Hayaan mo nalang yang pic mo. Opinion ko to a. Di naman ako nambabasag ng trip, akin lang e, hayaan mo nalang yang pic mo. Di naman paramihan ng likes eh, di naman to contest. Pasensya, pero di ako mahilig maglike ng kung ano ano. (And guess what? The person is forcing me to like. Tssss)
Sus, manood ka nalang ng Resident Evil, balita ko maganda yun. :)