“Tinulugan mo nanaman ako kagabi.”
Minsan hindi ko na alam ang iisipin, kung magtatampo ba ako o iintindihin ko na lang na inaantok ka na. Maarte kasi akong girlfriend, gusto ko nagpapaalam sakin bago matulog. E, paano ka magpapaalam kung hindi mo namalayan na napapikit ka na at nakaliban na sa ibang dimensyon ng mundo dahil sa antok mo? Chos lang.
Nakakatampo naman sadya. Lalo kapag nasa gitna kayo ng maganda-gandang topic na pinaguusapan o kaya naman ay nasa gitna kayo ng mainit niyong away tapos bigla na lang ang tagal magreply. At ang mahahaba mong texts ay naging, “Uy?”, “Dyan ka pa?”, “Huy”, “Bahala ka dyan”, “Huy ano ba?” hangga’t sa huli, suko kana, tampo na siya. Hue hue.
Pero look at the bright side mga tinutulugang mga karelasyon! Hindi siya nagrereply dahil nakatulog siya ng hindi niya namamalayan. Marahil habang katext ka e, kinukurot niyan ang sarili niyan, mareplayan ka lang. Effort diba? At isa pa, at least ikaw ang huling katext, walang ibang kausap kundi ikaw. Hindi nagrereply yan dahil tulog na, hindi dahil sa may ibang kausap. Unless yon nga ang dahilan. That’s a different story, paimbestigahan mo na kay Conan.













