the pain feels a little bit less from before but damn, it still fucking stings. lol.

#interview with the vampire#iwtv#amc tvl#jacob anderson#sam reid




seen from Malaysia

seen from United States
seen from South Korea
seen from United States

seen from India
seen from China
seen from Germany

seen from United States
seen from China
seen from United Kingdom
seen from Spain

seen from United States
seen from Spain
seen from United States
seen from South Korea
seen from South Korea
seen from United States

seen from United States
seen from Honduras

seen from Germany
the pain feels a little bit less from before but damn, it still fucking stings. lol.
stay warm.
hindi ko pa kilala si george taylor nung nakilala kita. hindi ko pa alam yung apeiron channel sa youtube pero dahil interesado ako sa'yo nung mga panahong iyon, napa-quick search ako sa youtube at nagpanggap na alam ko yun kahit hindi naman talaga.
at dito tayo nag-umpisa.
kasabay ng pagtuklas ko sa music taste mo ay unti-unti ring nakilala kita.
una kong narinig yung kanta ni george taylor na "roses" at namangha ako sa boses niya. ang lamig pero 'pag pinakinggan mo, para kang binabalot ng kumot tapos mararamdaman mo yung init hanggang sa maging komportable ka.
"STAY WARM!", ganadong-ganado ka nung sinagot mo ko kung ano pang marerecommend mo na kanta. natawa ako at namangha kasi sabi mo 'pag pinapakinggan mo 'tong kanta na 'to, para kang nagbabasa. isa 'to sa mga starting point ng kwento natin kaya tandang-tanda ko pa.
taon na ang lumipas pero naaalala ko pa yung huling beses na nagkita tayong dalawa. may mini gathering na naganap sa bahay ng boss natin kasi ilang araw pa lang ang nakalipas non nung nag-birthday siya. late ka na dumating non pero nawala yun sa isip ko nung nakatabi na kita. ilang araw na lang din ang bibilangin at paalis ka na noon. mula batangas, titira ka na sa may tita mo sa makati kasi nakahanap ka ng bagong trabaho doon.
ang dami kong inisip na plano bago yung araw na 'yon sa totoo lang talaga. buti na lang pumayag ka na samahan kita papuntang robinson's galleria nung natapos na tayong mag-saya. natatawa ako kasi naaalala ko ulit yung gabi na naglakad tayo sa kahabaan ng ortigas dahil naisip lang natin pareho. yun din yung unang beses na nasubukang mo yung biyaheng Ortigas papuntang Centris tapos UV pa-Manila hanggang sa malapit na sa bahay ng tita mo.
nung nakarating na tayo ng galleria, nagyaya kang mag-kape sa starbucks tapos nag-usap tayong dalawa. mejo nabitin lang yung una nating pag-uusap kasi ilang minuto na lang din at magsasara na pala sila. binaybay natin yung daan papuntang ministop at nag-book ka ng grab pauwi na sa tinutuluyan mo. at bilang huling beses na makakasama naman na kita non, sumimple ako -- tinanong kita kung pwede ba kitang ihatid tapos jinustify ko pa na mas mapapadali yung biyahe ko pauwi kung doon ako manggagaling sa bababaan mo.
pumayag ka. tuwang-tuwa naman ako. hanggang sa na-bring up ko ulit yung pangako mo sa 'kin, few months ago (na technically, last year na rin at the time). lumubog yung puso ko sa sahig nung narinig ko yung mga sumunod na sinabi mo -- "baka nag-eexpect ka na ah? siguro naman naaalala mo pa yung mga sinabi ko sa'yo?"
binalot na ako ng lumbay pero bumalik sa akin yung taning na binigay ko sa sarili ko. mga ilang linggo ko na rin kasing pinag-isipan kung ano ba dapat ang gawin ko sa sitwasyon nating dalawa kasi sa totoo lang talaga (at aminado naman ako), nabaliw ako sa'yo. na-realize ko rin eventually na shet, hindi na ata healthy yung mga nangyayari, pati na rin yung mga pinaggagagawa ko. lalabas na parang wala lang din akong natutunan sa mga nakaraang sablay ko sa buhay kung pabababayaan ko na namang mahulog yung sarili ko sa mga sitwasyong kagaya nito.
eventually, nabuo ko rin yung mga gusto kong sabihin sa'yo. pinasalamatan muna kita para sa taong nagdaan at syempre, dahil na rin nagkakilala tayo. nakwento ko rin sa'yo na isa ka sa mga dahilan kung bakit nagawa kong maging masaya at motivated sa kabila ng mabigat na trabaho. ito marahil yung "ups" kapag nagkagusto ka sa katrabaho mo. kahit iniiwasan ko na talaga na ma-involve ulit sa workmate, pero para sa'yo, sumugal ulit ako. pero hindi naman kita dapat sisihin don syempre. desisyon ko yun at hindi ko isusumbat 'yon sa'yo. siguro nga may mga leksyon tayong matututunan lang natin kapag nasaktan na tayo nang todo.
pagbaba natin ng sasakyan, tinanong na kita -- "ano nga ba ako sa'yo? ano ba 'tong ginagawa nating dalawa?"
hindi ka muna umimik. tinitigan lang kita.
maya-maya lumabas sa mga bibig mo ang mga salitang marahil sa kabilang banda ay inaasahan ko na --
"alam mo namang hindi pa ako okay, 'di ba?"
"hindi ba nag-usap na tayo noon?"
hindi ko na rin maalala yung iba pang sinabi mo pero tumatak sa akin yung ilang beses kang nag-sorry hanggang sa dulo ng conversation. naramdaman ko na lang na dahan-dahang nilunod ng nakakabinging katahimikan ang ingay ng kalsada nung mga sandaling 'yon.
nung hindi na ako nagsalita, nagpaalam ka na. hindi na rin kita pinigilan kasi sa isip ko -- para saan pa?
umuwi akong tulala. kinabukasan, at hanggang sa huling araw mo sa opisina, hindi na tayo nag-usap pa ulit. nakakatawa na sa hinaba-haba ng panahon, doon lang pala lahat matatapos… ang kulit.
pero uy, 'wag ka. paminsan-minsan 'pag tumutugtog sa playlist ko yung "stay warm" ni george taylor, naaalala pa rin kita. alam mo bang narinig ko yung alternative version non na hindi na galing sa channel ng apeiron. ang galing, hindi ba?
kaya't kung nasaan ka man ngayon, sana masaya ka.
may you still stay warm, my dear one... kahit sa piling na ng iba.
raining in mnl.
Isang buwan na pala mahigit mula nung ni-release ng Lola Amour yung kanta nilang “Raining in Manila”. To be honest, hindi ako agad na-hook sa kanta kasi nasa phase pa ako noon ng pakikinig ko kay Matt Maeson at iba pang indie artists bilang bahagi ng aking ka-emehan sa buhay na tawagin na lang nating "secret music musings" (na inimbento ko lang as I was writing this shit.)
"It's been raining in Manila, hindi ka ba nilalamig?"
Natatawa ako kasi tuwing umuulan dati, palagi tayong nagtatanungan kung parehong inuulan yung mga lokasyon natin. May mga araw na pareho tayo ng nararanasan, may mga araw na hindi. Mangilan-ngilang beses din nating ginawang filler sa halos araw-araw nating pag-uusap kung ano ang lagay ng panahon. Minsan nga nagbibiruan din tayo na kung hindi inuulan yung lugar ng isa sa 'tin, malamang siguro, papunta pa lang yung ulan sa mga pagkakataon na ganon. Ang bilis ng panahon, walangya. Akalain mong hindi na tayo nag-uusap ngayon?
"It's been raining in Manila, tikom na ang aking bibig."
Ang pakshet ng ulan ano? Ang lakas maka-apekto sa mood ng tao? 'Pag malungkot ka, mas lulungkot pa; minsan sasamahan mo pa ng malungkot na kanta para may combo. Pero calming din ang ulan kung tutuusin. Kakaiba yung dala nitong ingay kasi yung gulo ng mundo, kaya nitong tangayin. Ilang araw nang umuulan nang malakas, may ilang araw din na parang hindi ito humihinto. Ilang araw na rin kayang umuulan yan sa inyo? Ah shet, ito pala yung mga tipo ng tanong sa kaisipan na hindi na dapat pinagbubuksan pa ng pinto. Tutal, hindi naman na tayo nag-uusap ngayon, safe to say, dapat ko na talagang tanggapin ang pagtatapos ng isang mahabang yugto.
"It's been raining in Manila, hindi na 'ko mukhang tuleg."
Napaisip din ako, sa totoo lang, matagal-tagal na rin pala akong nasa posisyon ko ngayon. Tahimik lang, trabaho lang, naghahanap ng mga bagay na magpapanatili ng aking katinuan hanggang sa matapos ang taon. Naalala ko rin pala yung araw na shinare ko sa'yo yung "maybagyoba.com". Tuwing uulan, titignan natin pareho nang sabay yung website na 'yon. Palagi pa akong ngumingiti na parang tanga sa tuwing ginagawa natin yun dati pero iba na ang sitwasyon ngayon. Well, at least, hindi ba? Salamat na lang din siguro sa pagkakataon.
"It's been raining in Manila, sanay na 'ko sa gan'tong lamig."
Ang lamig ngayong gabi. Yung ulan, hindi pa rin tumitigil sa pagbuhos. Okay lang yun siguro, kasi malamang -- kagaya ng kung anumang pinagsaluhan natin, pareho silang matatapos.
kasalanan.
may mga bagay akong gustong sabihin sa’yo pero siguro hindi ko na masasabi pa dahil ‘di na tayo nag-uusap magmula noong hiniling ko na maging malinaw ang lahat. wala namang problema sa akin. hindi na bago ‘to. alam ko namang dito rin babagsak ang lahat, pinatagal ko lang siguro.
hindi biro yung halos isang taon akong nangapa sa mundo mo. halos isang taon akong naglakad sa paligid mo na parang umaapak ako sa marupok na salamin -- balot ako ng takot na baka mabasag ko ‘yon at masugatan bandang huli. halos isang taon akong nagpaubaya. halos isang taon kitang inintindi. halos isang taon akong nagduda sa mga nararamdaman ko at sa aking sarili. halos isang taon ko rin palang pinaggagagawa lahat ng ‘to tapos malalaman ko na wala palang halaga ang lahat sa’yo sa bandang huli.
hindi ko isinusumbat sa’yo ito. hindi mo kasalanan kung hindi mo kayang tanggapin yung nararamdaman ko ni suklian lahat ng ginawa ko para sa’yo.
hayaan mo na lang muna ako sigurong maging ganito -- hindi magkikimkim, magsasalita. maghahayag ng damdamin, may makinig man o wala.
pakingshet these feelings.
but it’s okay. lilipas din naman ito. anong bago? walang nagbago. ganon ulit ang kwento.
sa kabilang banda, naisip kong pareho natin sigurong naging pang-character development ang isa’t-isa. naks. kulang na lang ng OST, pang-anime plot line na.
osya, siya. hindi ko pa alam kung masusulat ko pa ba yung iba kong naiisip patungkol sa’yo. basta ang alam ko, nakita ko yung dating usapan natin at mangilan-ngilang beses na rin akong nakakarinig ng mga kantang nagpapaalala sa ‘kin tungkol sa’yo.
malay natin, parte na pala to ng pinitensya ko tutal holy week naman na rin ‘di ba? magbabawas na muna ako ng kasalanan -- tutal pakiramdam ko parang kasalanan ko rin naman sa sarili ko na ginusto kita.
"Maybe I could have loved you in any life but ours, now." (Beast uvu)
|| Poetry Starters ||
All sound drained out of the world then, his blood running cold as the words. He dropped his gaze to his glass, noting the blood under his fingernails that rest on the lip of the glass. Dazai wondered if it wouldn’t have been easier for Oda to punch him. Flashes of another life, another story, flashed through his mind and he bit the inside of his cheek.
“That’s an interesting idea, isn’t it? Another life,” Dazai muttered, poking at the ice swirling in his glass. He watched as the water wiped blood off his finger, the ice turning and taking the bloody water droplet into the beverage. It didn’t bother him.
“If there was another life, what would you want to be? What would you want to do?” Dazai asked absently, looking at Oda, a spark of hope in his dark eye, “why would you want to know me? Why would you want to love me?” There was a desperation hidden under a lock of indifference, a learned defense mechanism to protect a heart Dazai hadn’t even been sure he had- until the rejection and disgust from Oda pulled at the forgotten feelings.
Oda reached out to the pack of cigarettes and his lighter tucked in one his pockets, the lighter was one he got for free at Lupin some weeks ago. "Eveything ends," he paused then lit up a stick, then with both the pack and lighter, he reached it out to the other, "And it's okayㅡ" with his free hand he breathed in the smoke, letting its heavy air fill his lungs, "After all, we end to begin again."
|| Poetry Starters ||
The smoke curled up between them as Dazai reached for the pack and lighter. He contemplated Odasaku’s words as he light a cigarette for himself, taking a heavy drag before he set the pack and lighter on the bench between them. He looked out over the ocean, savoring the sight of the sunset on the waves. Sometimes- when he was with Odasaku- life seemed like it might not be so bad, like it might be okay, almost as if life were a beautiful thing, rather than a pair of shackles weighing him down, drowning him beneath an unrelenting sea that refused to let him go (be it in death or to a better life).
“That’s quite the contradiction, there, Odasaku. Ending to begin. A strange concept,” Dazai replied after a long moment. He had never really considered that something could grow, blood, live, out of an end. Endings were final. Birth was the start. To think that an end could birth something didn’t seem right- but then it did. After all, dead things fed the grass and the flowers.
He shook his head, shaking water droplets out of his shaggy hair- he’d taken a dip in the very ocean they were now watching, and that was how Oda had found him- before taking another drag off the cigarette, savoring the way the smoke seemed to burn against his lungs. With Oda, he felt human, alive, vulnerable. And with Oda, he allowed himself to be just that.
@trahedya || Continued from x
Dazai smiled into his glass slightly, swirling the contents before throwing the alcohol down in one large gulp, setting the glass gently on the table and motioning for another. He’d said something similar to Chuuya earlier and gotten himself punched for the effort- along with some choice words. When he got his next glass, he downed that in a similar fashion, once again motioning for another. Something was eating at him that day, and he clearly wanted to kill it.
“You don’t believe in ghosts, do you, Odasaku?” Dazai asked softly, his voice steady and even, despite the amount of and way he’d consumed his alcohol, “Interesting, considering what we do.” He looked over at the other, tilting his head to the side and considering his friend. Dazai reached out and tapped the edge of Oda’s glass with his fingernail.
“This is supposed to be good for drowning out ghosts. Maybe you just drink too much~” Dazai stuck his tongue out then, trying to make a joke of it, despite a strange sensation crawling up his spine.
“the tenth night” ^-^
thank you for reading my rules!