Handaminamaniyan!
Ang daming gagawin
pero heto ako
nakatunganga pa din.
Nagpipilit pagkasyahin,
ang mga salitang
inakalang kinalimutan,
at tinambak,
ng puso’t isip kong
minaskara ng halakhak.
Ang dami kong gusto saibihin
pero... ang hirap gawin.
Ika nga nila,..
mas madaling
mag sabi
kesa gumawa.
Tumawa
kesa lumuha.
Makinig
kesa pakinggan.
Tumahimik
kesa magsalita
Tumingin
kesa tingnan.
Magkwento
kesa matuto.
Magreklamo
kesa makuntento.
Ano pa ba?
madami pa to eh
isama na din natin
yung magmahal
kesa mahalin..
Pangakuan
kesa mangako,
Magpanggap
kesa magpakatotoo.
Magparaya
kesa mandaya.
Pumili
kesa piliin.
Matakot
kesa manakot
Tumawid
kesa umikot
Umoo
kesa humindi.
Kung babaliktarin
ang baliktaran
maibabaliktad
din ba ang
kahulugan?
handaminamaniyan!!








