Kung meron mang isang kanta na swak na swak sa takbo ng buhay ko ngayon eh Tumatakbo by Mojofly na yun.
Laging bigo
Laging sawi sa pag-ibig
Minamalas, o kay lupet
May balat nga ba ako sa pwet?
Mabuti pa ang tindera sa aming kanto
Nakakainggit
TL... Ang sweet nila ng kanyang nobyo
Gusto ko lang maranasang umibig
Tamaan ni kupido
Gusto ko lang maranasan ang langit
Tumibok muli ang puso ko
Gusto kong bigyan ng dalawang thumbs up si kumareng Lougee kasi feeling ko ako yung inspiration niya habang sinusulat niya ‘to lol. Lagi na lang akong sawi sa lahat ng aspeto ng buhay alam mo yun? Dumating talaga ako sa point na chineck ko sa salamin kung may balat nga ba ako sa pwet at ang alat alat ng buhay ko. Masama mag compare pero wala eh di mo talaga maiiwasan. Bakit si ganito, bakit si ganyan bakit ako hindi, bakit ako parang bawal? Ang daming bakit, walang katapusang bakit.
Tulad ng maraming beses na pagkabigo sa pagibig e parang paulit ulit din yung pagka bigo ko sa life. Putcha parang yung maging sawi sa love eh kaya ko pa ihandle pero tangina yung fail ka din sa buhay e parang ang hirap tanggapin. Pakiramdam ko talaga patapon yung buhay ko haha minsan nga naisip ko mag aasawa na lang ako ng mayaman para tapos na ‘tong pagiging miserable ko e. Pero syempre joke lang yung magaasawa na lang ako ng mayaman, ang hindi joke eh yung gusto ko na mag asawa. OO! GUSTO KO NA MAG ASAWA! [caps lock para talagang intense] Ewan, alam ko I haven’t figured out my life yet pero isa lang talaga yung sigurado akong hindi ako magfefail; ang maging isang butihing asawa at nanay sa aming apat na anak hahaha tangina kahit ako natatawa sa pinagsasasabi ko ngayon pero totoo talaga. Kung hindi ko man matupad yung pangarap kong magkaron ng sariling restaurant/cafe eh kahit man lang sana yung makapag asawa ako ng mapapa thank you lord talaga ako araw araw at maipag luto ko siya ng [at least] breakfast araw araw. Yun na siguro yung pinaka magandang pangarap na matutupad ko kung sakali.
Tumatakbo ang oras naiiwan na ako
Ng panahon
Di na nagbago bawat araw
Pare-pareho
Parang kahapon
Parang chorus ng kantang ‘to yung pakiramdam ko ngayon--- yung pakiramdam na parang maiiwan ka, tipong lahat sila na alam na kung saan sila papunta, tapos samantalang ikaw feeling lost at gulong gulo pa rin; hindi alam kung anong dapat na gawin.
May birthday cake ka nga
Ngunit wala namang kandila
May christmas tree na malupet
Wala naman dekorasyong pansabit
Sadyang ganyan ang aking buhay
Walang kasing tamlay
Ayoko sanang tumandang nag-iisa
Pero kung iisipin mo, hindi naman talaga ako ganung ka malas, meron pa rin naman talagang mas hindi pinalad kesa sa’kin. Sadyang nagiinarte lang ako ngayon. Pero kasi nga alam mo yun, meron nga pero may kulang naman. Parang sabi sa kanta, may birthday cake nga ngunit wala namang kandila. May christmas tree pero walang dekorasyong pansabit. Oh diba? Parang hindi mo makita yung halaga ng isang bagay kasi alam mong may kulang. At yun yung hinahanap ko na parang nawawala at di ko alam kung nasaang lupalop ng mundo ko hahanapin.
Tatanggapin na lang ba
Ang malupit na tadhana
O kaya'y tatanggapin na lang
Na ako'y sadyang hindi pinagpala
Tigilan na ang drama
Punasan na ang luha
So ano? Hanggang dito na lang ba talaga? Tatanggapin ko na lang ba na wala akong mararating at habang buhay ko na lang itatanong sa sarili ko kung ano ba talaga ang gusto ko gawin at marating? Syempre hindi!!!!!! Hindi pa tapos ang laban. Nauna lang siguro nila nalaman yung purpose nila dito sa mundo. Malalaman ko rin naman kung ano yung sa’kin. Sabi nga eh may tamang panahon para sa lahat ng bagay. At sigurado ako merong tamang panahon para sa ating lahat. Wag susuko! Laban lang! Pawer tayo mga brad!