Poverty is passed down genetically - Robert Kiyosaki
"Poverty is passed down genetically" according to Robert Kiyosaki.
Isang salaysay na medyo masakit pakinggan at pagbulayan pero isang katotohanan na kailangang bigyang pansin. Ang kahirapan ay hindi isang sakit sa dugo o pagkatao kung saan namamana ito ng anak mula sa mga magulang bagkus ang kahirapan ay isang sakit kung saan patuloy na dumadaloy sa mga anak at mga ka-apo-apohan hangga't malulunasan ito. Ang ugat ng sakit ng kahirapan ay nasa mind-setting ng isang tao.
Kaya raw maraming mga Athleta at mga Celebrities na naging sikat, nagkaroon ng yaman at pera pero kalaunan ay bumalik ulit sa kahirapan sa kadahilanang pulubi mismo ang pamilyang pinanggalingan nila. Dahil sa pulubi ang pamilyang pinanggalingan nila ay pati ang mindset nila ay pulubi din, pati ang mga kilos at mga aktibidad nila ay nagpaparesulta lang din na mananatili silang pulubi.
Yan ay ayon kay Robert Kiyosaki sa isang video interview nya. Kung literal na titingnan ay maaring tama talaga si Robert Kiyosaki kasi nga naman ang kahirapan ay nagsisimula talaga sa isip ng bawat indibidwal. Kung ang isang tao ay pinalaki mula sa pulubing pamilya ay tiyak na mananatiling pulubi sya kasi mamamana nya yung mind-set ng magulang nya na mananatiling pulubi at wag gumawa ng paraan upang umahon sa kahirapan. Unless ang isang tao ay magising sa sariling isip nya, marealize yung potential at tunay na halaga nya na kaya nyang baguhin ang estado ng buhay at kinabukasan nya ay tiyak na aahon sya mula sa kahirapan.
Mananatiling pulubi ang isang tao kung pulubi ang nakagisnang pag-iisip nito kung saan ang alam lang ay ang magtrabaho, ipagpalit ang oras upang magkaroon ng pera at hindi alam pano gumawa ng pera sa pagnenegosyo.
Upang makaahon daw sa kahirapan ay kailangan mismo ng indibidwal na magising ang sarili nitong pagkatao at matutunan na palaguin ang sarili mismo. Hindi masama ang makaroon ng trabaho pero ayon kay Robert Kiyosaki, habang tumatanggap ka ng paycheck (sweldo) ay mananatili kang empleyado kung saan limitado lang ang mga bagay na magpapabuo sayo. Limitado yung oras mo, limitado yung galaw mo, limitado pati ang income mo.
Kaya advice nya bilang isang manggagawa, palaguin ang sarili, alamin pano gumagalaw ang pera sa market, alamin pano mag ipon, magkaroon ng asset, pano mag invest at ang huli at pinakapaborito ni Robert Kiyosaki sa lahat, ay ang tamang paggamit ng utang.
Sa pangungutang daw, ang mga mayaman ay lalong yumayaman pero yung mga nasa middle class at mga pulubi ay nagiging mahirap lalo dahil sa maling pagkaintindi, paniniwala at paggamit ng pera at maling paggamit sa inutang na pera.
Ang perang uutangin daw ay kinakailangang maipundar sa mga assets mo na magbibigay sayo ng revenue income, hindi sa mga bagay-bagay na kung saan hindi magbabalik sayo ng pera o makakatulong sa paglago ng iyong sariling kakayanan (skill sets) at iyong sariling negosyo.













