Alaala Buhok mong itim na nakalugay Ang tumatak sa aking paglalakbay Sa kung ano ang mayroon tayo noon Ang sarap lang bumalik sa kahapon Mga halakhakang walang katulad ‘pag kasama ka’y ayaw ko ng umusad Sinusulit bawat minutong lumilipas Magkasama tayo’y tila ang bagal ng oras Titigan man kita ng ilang araw Kahit antok ma’y hindi dadalaw Ikaw ang paborito kong tinatanglaw Mananatiling ikaw paglubog ng araw Naghahabulan na parang walang bukas Sa aking bisig hindi ka makakatakas Sasabayan ng pag higa sa damuhan Mag aasaran at doon magkukwentuhan Ilan lamang yan sa mga alaala Na laging nakatago sa’king memorya Pilit ko mang kalimutan ka na Hindi malaman saan mag uumpisa Buhok mong itim na nakalugay Ang tumatak sa aking paglalakbay Hiling ng puso’y makita ka muli Kahit sulyap lang sandali - VncDn









