10.2 Religious Old Man
“Ah sige lang, daan lang kayo. Dito pa ho sa may tabo, may upuan. Ah napakabait naman na mga bata ‘to. Ah homily na, ay likod ko. Ay tuhod naman. Asan ba yung upuan hindi ko mai-ano yung sarili ko. Ayan-ayan na. Ah. Alam ko na to, sa ilang beses ko ba naman magsimba sa isang linggo. Tatlo siguro. Kung iisipin paulit-ulit din lang naman yung mga binabasa at sinersermon ng mga pari eh. Ah, totoo nga yan sinsabi ni father. Hindi dapat mawawala yung paniniwala - lalo na sa pinakamahirap na parte ng buhay. Dun dapat hindi bibitaw. Kung ako siguro nawalan ng pananalig sa Diyos nung araw na yun aba’y siguro wala ako rito ngayon. Hindi ba’t napakagaling ng panginoon na nagagawa niyang mga bagay na ganito para sa atin. Ang galing-galing nga naman talaga. Hindi mo lubos iisipin na napapabayaan ka, kasi naman talaga hindi niya magagawa yun. Mahal na mahal tayo niyan. Yan napakasigurado ko. Ilang taon na akong witness - oo may mga masasamang araw pero hindi ba parte naman yun ng buhay. Kung puro masaya eh - buhay pa ba yun. Mas masarap yung napagdaan mo talaga yung hirap bago mo makamit yung ginhawa. Ramdam na ramdam mo kasi yung pagmamahal ng Diyos. Ah Lord, thank you Lord. Alam kong andyan ka lang at hinding hindi mo kami pababayaan."














