Sino si Yiwei Kuo
YIWEI COBALIDA KUO. Isang half-Filipino, half-Chinese (Taiwan, ROC) na ipinanganak sa Pilipinas at naninirahan sa Makati. Siya ay pangatlo sa anim na anak nina Yuan Chang at Rowena Kuo. Nag-aral siya ng kinder sa Makati Hope Christian School (MHCS) hanggang ikatlong baitang lamang, sa MHCS siya natuto mag-Mandarin at kinailangang lumipat ng paaralan noong naisilang ang sumunod niyang kapatid na si Lizhen. Si Yiwei ay nagtapos ng elementarya sa Francisco School of Makati (FSM) noong 2012, naghayskul sa Sta. Clar Parish School (SCPS), Pasay at sa kasalukuyang nasa ikalabing-dalawang baitang sa Asia Pacific College (APC), sa ilalim ng Accounting and Business Management (ABM) strand, sa pangkat Tourism Management A.
Sa elementarya, natuto siya ng wikang Chinese/Tsino sa MHCS. At nang siya’y lumipat sa FSM, dito niya natuklasan ang KPOP at natutong sumayaw. Sumali din siya sa school choir at kumakanta siya sa tuwing may komunyon sa simbahan. Siya rin ay naging class muse ng dalawang taon (Grade 4 at Grade 6). Siya at ang kanyang teammates sa volleyball ay nanalo bilang kampyon noong intramurals 2010.
Sa Junior High School, pumasok siga bilang Business Education Program (BEP) kung saan ineensayo ang mga estudyante maging mga batang negosyante. Mayroon silang candle making activity, hand sanitizer & dish washing soap liquid at mga pabangong ginawa upang ibenta noong ika-pitong baitang. Una siyang sumali ng palahok na Lakan at Lakambini noong ika-walong baitang, hindi man siya nakapasok bilang isa sa finalists, nanalo naman siya at ang kanyang mga kaklase sa dance competition bilang mga kampyon. Siya’y may hilig sa pag-arts kaya’t sumali din siya ng Teatro Baslay na isang organisasyon para sa theatre acts at naging awardee nito. Si Yiwei ay naging Marketing Head ng Belleza Classe, isang negosyong palamuti na kanyang sinimulan buohin. Nanguna siya sa paggawa o pag-design ng mga alahas at nagkaroon sila ng malaking business event sa paaralan kung saan binenta nila ito. Sumali muli siya sa mga palahok tulad ng Lakambini ng Wika 2014, nanalo bilang Lakambini ng Madla 2014, Ms. Intramurals 2014 first runner-up, at Ms. Junior ng kanilang JS Prom. Ika-sampung baitang ng sila’y napasailalim ng Clarians’ Boulangerie, isang negosyo sa paaralan na pinatatakbo ng bawat fourth year BEP students. Siya’y Marketing Head muli, at nangunguna sa paggawa ng mga cupcakes na ibebenta. Lumahok muli siya sa Intrams at nanalong Ms. Intramurals 2015 kasabay ng pagkapanalo ng kanilang section ng overall champion ng Intramurals 2015. Sila’y inensayo sa bookkeeping at accounting, at baking upang makapasa at makakuha ng certificate mula sa tesda. 2015 din nang una siyang makuha para sa Close Up Forever Summer TVC at naging School Model and Ambassador ng SCPS.
Accomplishments:
- Nephite Talent Center, 2007
- Ms. Muse 2010
- Volleyball Champion (girls) 2010
- Dance Competition Champion 2013
- Teatro Baslay Awardee, 2013
- Ms. Uson 2013 first runner-up
- Lakambini ng Madla 2014
- Ms. Junior 2014
- Ms. Intramurals 2015
- TESDA NCIII Bookkeeping & Basic Accounting Passer, 2015
TESDA NCII Bread & Pastry Production Passer, 2015
- Close Up Forever Summer TVC, 2016
- Mr. & Ms. APC, Ms. ABM 2016
- Whisper TVC, 2017
- Reco Modelling Agency, 2017-present








