Sinubukan kong lumingon,
nagbabakasaling maabot ko ng tanaw
ang papalayo mong imahe sa aking balintataw.
Lumipas ang mga araw
na tila ba ako'y tinalikuran
ng kapalarang pilit kong sinusundan.
Nagkamali ba ako?
O sa simula pa lang ay wala ng tama sa mga pagpipilian ko?
Hindi ko alam,
kung ano nga ba ang pinaglalaban..
Hindi ko alam ang halaga ng binitawan.
Sinubukan ko naman,
pero bakit tila ako'y pinabayaan
ng kapalaran na tangi kong sinasandalan?
Ako'y naguguluhan
kung dapat bang patuloy na lumaban
o tamang ang lahat ay bitawan?
Kaya sa huli
pinili kong wakasan..
ang tadhanang ayaw kong panghawakan.










