It's been raining in Manila.
ang tagal ko ng wala sa hometown ko. mag tatatlong taon na, minsan pag umuuwi ako ng Manila. natatakot na ako dahil unti-unti na akong na un familiarized dito. mabilis mag bago ang itsura ng Manila. parang hindi makasabay ang panahon dito. kung ano binagal minsan ng oras ganoon kabilis ang ikot dito.
Manila is where my heart is, kung ano ang iningay ng umaga dito ay siya rin ikinakulay ng gabi. marami ka mapupulot na kwento dito. kakaiba, malalim at puno ng nakakamangha na istorya. sa araw-araw mo na pag lalakad o pag byahe dito. imposibleng hindi ka makakuha ng kwento. imposibleng walang kwentong Manila. bawat sulok nito ay kakapulutan ng kung ano (tulad ng basura hehe jk). madumi man ang hangin. marami man ang masasamang loob at maraming di rin ka aya-ayang lugar. ang Manila ang sentro ng lahat ultimo sa kalakaran noong una pang panahon.
LRT at MRT, isa rin ito sa mga nag dudugtong sa pusod ng Metro Manila. sino nga ba ang hindi nakasakay dito? na hindi naiisip minsan ang buhay nya ay parang isang pelikula o para siyang nasa isang music video. lalo na pag nakasaksak na ang earphones sa mag kabilang tenga. napaka sentimental ng lugar na ito. marami na nga ang nag pakamatay dito. medyo nakakatakot nga lang lol. pero ang mga tren na ito ang naging sandalan ng mga tao na nag tratrabaho/estudyante ng Manila. although minsan nakaka-badtrip lang kapag mahina ang aircon at siksikan. minsan pa nga ay nasisiraan sa kalagitnaan ng byahe. pero ang laking ginhawa nito lalo na sa malupit na traffic.
ang mga streets ng Manila ay hindi pare-pareho. may delikado, safe, masaya at malungkot. masarap mag lakad sa Manila. mapa umaga man o gabi. marami ka mapupuntahan na pwede mo lang lakarin hindi mo na kailangan bumyahe ng marami pang sasakyan. kahit siguro bente lang pera mo ay mabubuhay ka na dito. lahat ng cravings mo mabilis mo lang makakain dahil napaka dali lang puntahan ng mga kainan at pasyalan dito. nandito rin ang mga nag lalakihan na mga Malls. hinding hindi ka mababagot sa Manila.
kapag umuulan naman sa Manila. nakakatakot dahil asahan mo na ang mabilisan na pag baha saan man sulok ng lugar. lagpas tuhod minsan naman ay hanggang bewang. sa loob at labas ng bahay yan. wala kang ligtas sa baha sa Manila. talaga naman nakakaawa ang mga pauwi ng kanilang mga bahay galing trabaho kapag naabutan ng ulan.
isa din sa mamimiss mo sa Manila ay ang mga marites. mga walking CCTV. mga matang nakatitig na akala mo kung makatingin ay buklat na buklat na ang pagkatao. mas alam pa nila yung istorya mo kesa sa sarili mo. pero ang magandang dulot naman nito ay walang masyadong nagiging biktima ng mga massacre dito. dahil makarinig man sila agad ng konting sigaw ay tiyak mapapabukas na ng mga bintana yan. ang iba ay lalabas at mag uusisa talaga hanggang sa tatawag na ng barangay.
iba ang energy ng mga taga Manila. masaya sila kasama, akala mo walang bukas kung mag walwal. akala mo walang mga problema na iniinda. Bold ang mga Manilenyo, transparent sila sa mga buhay nila. Happy go lucky at creative. dito naka imbento ng pisonet,corn dog at kung ano-ano pa. madali mag business sa Manila. walang permit yung iba lol. kaya kahit tignan mong ganyan lang sila mga naka-iphone yan, isama mo na yung mga snatcher at holdaper sa diskarte lol.
"Simply no place like Manila" mula sa kanta ng Hotdog. totoo talaga walang katulad. para nga daw babae ang Manila, binabalik-balikan. parang babae ang manila. sa kakumplikado nito lol jk. marami rin na ngangarap ang tumira dito. at isa na rin ako doon sa gustong bumalik pag dating ng araw.











