MY VERY 1ST SUPER SHOW EVER
I know this is super duper overdue but allow me to share my unforgettable experiences prior, during, and post-concert moments of the rescheduled SUPER SHOW 9: ROAD IN MANILA - DAY 1 dated December 17, 2022 at SM Mall of Asia Arena.
Before the rescheduled Super Show...
For the first time in 7 years, napaaga ang release ng 13th month pay namin! Ito rin yung sign ko na mag-upgrade ng ticket from Upper Box to Super Seated. Pinagtyagaan kong pumila for more than 2 hours just to secure one. Nakuha ko yung seat na gusto ko. Nagkaroon pa nga ng issue sa Twitter (now X) about nagkapare-pareho ng seats especially Super Seated # 205 onwards. Buti na lang na-solve agad nila Inang Reyna at ng PULP. She announced that time na kailangan i-register yung tickets for 17 Dec 2022 sked (sa mga naka-avail na, reprint, at nag-upgrade gaya ko) sa link na pinost ni Inang para i-check personally. Grabe yung dedication noh? Tatawagan nila yung person sakaling may conflict. In my case naman, thank God wala akong na-receive na call from them. Meaning, wala akong kaparehong seat.
Nag-file ako ng VL, at thank God pinayagan ako since Saturday naman yun concert ng SJ. Aware ang superior at colleagues ko na manonood ako ng concert. Sinabihan ko sila na ayaw kong maistorbo sa araw na yon mapa-urgent o hindi dahil sobrang tagal kong hinintay ang moment na 'to, at naiintindihan nila yon. It's my first KPop concert experience ever, and it's also my first time to watch concert ALONE which is exciting!
Medyo nag-effort din akong maghanap ng susuotin. Something blue kasi yan ang official fandom color ng SJ at E.L.Fs. Pinili ko ang blue denim jacket with inner sando, leggings, at comfy rubber shoes since nasa seated area naman ang pwesto ko. Planado ko na rin yung pagpunta at pauwi, kung sino yung maghahatid sundo sa MOA Arena. Pinakiusapan ko yung isang pinsan ko - na kahit-bahay ko lang. Kaya natatakot akong umuwing mag-isa, at pahirapan din mag-commute back-and-forth sa MOA.
D-DAY of SUPER SHOW 9 in MOA
Kumpleto naman ako ng 8 hours of sleep. Tamang preps lang bago ang concert. Nakapag-breakfast and lunch na ako. Nangingibabaw ang excitement na may kasamang coordination with my cousin. Yun nga lang umuulan nang mga oras na 'yon until 3:00 PM. Inagahan namin umalis habang hindi pa umaambon, at para hindi maabutan ng traffic jam papuntang MOA Arena.
4:00 PM na ako nakarating sa venue. Tama lang din ang dating ko. May time pa ako mag-retouch habang inaantay yung oras para pumasok sa MOA Arena. Madali ko namang nahanap yung floor kung saan ang Super Seated ticket holders. Medyo nakaramdam ako ng gutom nang mga oras na 'to. So bumili ako ng shawarma at softdrink. While munching, saktong may nakilala akong ELFs na solo goers, at tamang exchange ng socmed accounts. Ang saya lang. May nakita rin akong international ELFs na dumayo pa rito sa MOA Arena to watch at to witness na rin siguro how we (PH ELFs) enjoy concerts like this.
I make sure na nakapag-last minute CR ulit ako bago pumasok sa concert venue para wala akong ma-miss sa buong duration ng SS9 Manila - Day 1.
5:00 PM - Doors are now OPEN.
Naligaw pa ako ng very very light kung saan ako papasok, hehe. 😂Since nasa 218 yung pwesto ko, Row K, Seat 1 which is nasa dulo pala yon, tinuro ako ng usherette sa 217, and finally! Nakita ko ang seat assignment ko. At least medyo malapit sa extended stage compared to my previous seat - sa Upper Box A - 402 Row F, Seat 14.
That's why sulit ang upgrade ko ng ticket which I'm definitely the happiest ELF that night. I enjoyed every minute of it. From their stage performances to endless and chaotic ments and VCRs in between.
Opera skit is the FUNNIEST moment ever. Dinogshow lang naman nila yung tatlong kanta; "SPY", "Rokugo", & "Mamacita". 🤣
Favorite performances aside from the Opera skit:
Burn The Floor
Mr. Simple (As in. I was jumping and singing at the top of my lungs!)
"I Can't" by KRY
CELEBRATE - which makes the night special for us PH ELFs.
Ung part na lahat naka-DENIM silang lahat.
"Happiness"
Behave po ako the whole night. Tamang video lang for 15 secs every song, except for their last song "Happiness". First time kong marinig yon live na live.
Grabe rin yung kilig ko that night. Going back to Mr. Simple. Nasakto talaga sa pwesto ko - nahagip ng dalawang mata ko si Siwon. Ultimate bias ko yaaarn!!! Tapos yung time na naglalakad sila sa extended stage. Grabe. Totoo talaga sila. Ang popogi nilang lahat!😭
POST-CONCERT DEPRESSION IS REAL, MGA ACCLA. 😭
Nasa bahay na ako pero yung diwa ko nasa MOA Arena pa. Ganun ang feeling ko that night. That didn't stop habang nag-sh-share ako sa IG stories ng mga ganap ko sa SS9 Manila kaya hindi ako nakatulog agad. As in. Ang lala talaga ng PCD ko. Inabot ng ilang buwan. Grabe. Ganun katagal. Definitely because it was my very first Super Show experience and very 1st concert I've watched ever since I started working in a corporate world.
On a serious note, ang pinaka-natutunan from that experience...
Kailangan may budget ka! Seryoso 'to. Bukod sa pambili ng ticket, dapat may budget ka rin para sa transpo back and forth, food, at kung may extra ka pa, pambili ng official at unofficial merch. Ultimo OOTDs, magpa-salon, nails mani-pedi, etc. Mapansin man tayo ng biases natin o hindi, ang mahalaga, maganda tayo sa D-DAY ng concert!
Tsaka in general... Kung kapos pa sa budget, huwag muna natin ipilit. Babalik din yung favorite artist nyo dito sa Pinas para mag-concert. While waiting for them, much better kung mag-iipon muna tayo. "Iponing mode" yung term ika nga ni Inang. Bilang ako'y isang corporate slave, of course kaliwa't kanan ang mga tukso... if you know, you know. May time na nagiging impulsive ako when it comes to my expenses. Ang ginawa ko, iniwasan kong kumain sa resto, or sa coffee shop na kadalasang tambayan ko kapag weekends. Iniwasan ko ring mag-online shopping lalo na kung hindi kailangan EXCEPT sa lightstick because wala sa K-Pop merch physical stores. Hinding-hindi ko pinagsisisihan na mag-splurge sa duration ng concert dahil deserve na deserve ko ito after years of being a corporate slave. Sulit ang bayad ko from tix upgrade, lightstick, etc.
Aside from Super Junior, may mga tina-target akong favorites na gustung-gusto kong panoorin, not just KPop. May mga ibang OPM and Foreign acts din akong inaabangan. Kaso hindi ko bet manood ng gigs sa bars bukod sa malalayo, masyadong gabi na mostly nagsisimula yung set. Gets nyo? Ayoko pa naman ng sobrang late matapos, ultimo lagpas alas dose ng madaling araw. Good thing about SS9, (mai-singit ko lang, hahaha!) 6:00PM talaga nag-start, natapos ng 9:00PM. Yes. Ganon kaaga dahil... pagoda na especially mga working ELFs. Kailangan umuwi ng maaga. Charot!!! 🤣
Going back. Of course, umpisa pa lang 'to. Hopefully makapanood pa ako. One major concert at a time, basta sa venue like MOA Arena, Smart Araneta Coliseum, New Frontier Theatre, etc. Or much better more mall shows para mas accessible especially para sa mga hindi masyadong nagpupunta sa gigs ng favorite bands natin.
"Go to the concert alone. You will not regret it."
Basta may budget. Okay!?
-------------------------------------------------------------------
Ngayong 2025...
I can't wait to see them AGAIN sa Super Show 10!!! Nagbabalik na sa mapa ang Pilipinas after so long.
Friends, ngayon pa lang, 'wag nyo muna akong yayaing gumala until further notice. If you know what I mean. OKAY!?













