I am thriving especially this month. But I just thought reminiscing good things and sharing might help me get through.
Hindi na nga ako pala post o tagasulat gaya ng dati, tuwing nagmumuni muni nakakapawi pa din ang pagbabasa ko dito sa blog ko, marahil dahil wala masyadong may alam. Kaya malaya ko nailalabas lahat.
Marami ng nangyari sa tatlong taon na nakilala ko tong tao to. Marami na agad yung pagsubok, mas kilala ko na din sarili ko, maraming natutunan.
Eto yung unang celebration namin na walang pangamba o duda o takot sa sarili ko. Siguro dahil naabutan din ng pandemic. Yung pagkakataon temporary na nagsama kami daming nadiscover sa isat isa.
Hindi ako yung typical na babae na nagpapaligaw, never ako naniwala dun. Kapag gusto ko at interesado ako sa tao, walang confusion, itās direct dating or not. Yes or No. May pros at cons yung ganitong style of dating ko pero this what works for me.
Gusto ko kasi onset pa lang malinaw na tayo sa intentions at motive. Napakarami ko ng experience sa flings at love kaya pinakanatutunan ko is be clear, along the way kahit gano pa kayo katagal youāll deeper get to know each other. Di mawawala yan. Kahit mag asawa na kayo o may anak na. Everyday is a new day to get to know your partner.
This is my second serious relationship, wag na natin isama yung mga fling hahaha Hindi na din tayo pabata, kaya siguro mas alam ko na gusto ko when it comes to dating. Importante din na dapat kilala mo sarili mo, dapat buo ka, dapat handa ka, kahit youāre healing o kaya madaming fears if you really meet someone and it gives you different feeling youāve never had before, and you want that to stay in your life, be honest about it.
Sobrang bigat na din ng pinagdaanan ko sa pagibig, i longed for someone the belongingness I craved. Masyado akong nasanay magisa na pakiramdam ko wala ng gusto makasama ako. O kaya i feel ashamed sa sarili ko na kuntento na ko na ako lang. Pero kapag nakilala mo pala talaga yung taong mapapa āshit, i think i like him, i want himā. Magiging matapang ka sumubok ulit.
Madami pa kami matutunan pero for now I love the person I am when I am with him.