BDRRM KWENTUHAN
Mga Bantang Panganib
Ang Panganib o (Hazard) ay isang phenomena o sitwasyon na kung saan ay maaari ito makapinsala sa komunidad, sa mga tao at sa kapaligiran. Ayon sa punong barangay ng Barangay 471 Zone 46, Samapaloc Manila na si Andy Perez ay nakararanas sila ng mga iba’t ibang panganib katulad na lamang ng pagbaha dahil sa malakas na ulan o bagyo, pagyanig ng lindol at sunog sa komunidad. Isa sa mga malalakas na bagyo na tumama sa Pilipinas ay ang Bagyong Ondoy, na kung saan ay nalubog sa baha ang ka-maynilaan kasama na ang Sampaloc. Ang mga mamamayan sa Barangay 471 ay lubos na naapektuhan dahil maraming mga estudyante ang na-stranded sa kanilang mga dormitories at marami ring mamayan ang lumikas sa kanilang tahanan at nagtungo sa evacuation center na matatagpuan sa 2nd and 3rd floor ng Barangay Hall. Bukod pa rito, isa rin sa mga panganib ay ang malakas na lindol na kung saan ay maaring makapinsala ito ng mga imprastraktura na nakatayo sa paligid ng komunidad. Panghuli ay ang sunog na madalas na nararanasan ng komunidad dahil sa iba’t-ibang dahilkan katulang ng short ciruit, naiwan na mga appliances at iba pa. Ang iba pang mga panganib ay ang kapapabayaan ng mga mamamyan na nagiging sanhi ng mga problema sa komunidad.
Vulnerability, Elements and People at Risk Assessment
Ayon sa Center for Disaster Preparedness Foundation Inc, ang pagkabulnerable ng komunidad at mamamayan ay nagpapakita ng kahinaan na harapin, bigyan proteksiyon at solusyonan ang nakaabang problema at mga panganib sa komunidad. Ayon sa Barangay, ang laging nakararanas ng sunog ay ang mga nakatira sa Antonio street dahil ang mga bahay doon ay magkakadikit-dikit. Dahil sa mga tabi-tabi na bahay ay malaki ang posibilidad na sila ay bulnerable sa mga bantang panganib katulad ng bagyo, pagbaha, lindol at sunog lalo na’t ang mga materyales na ginamit sa pagkakatayo ng kanilang mga bahay ay madaling masira at hindi matibay. Bukod pa rito, ang mga nakatira sa ganitong klaseng pamumuhay ay mga”low-class” families na kung saan ay talamak ang mga sakit at panganib sa kanilang buhay. Kapag nangyari ang mga bantang panganib, malaki ang tyansa na masira ang kanilang mga tahanan, pangkabuhayan at sa hindi inaasahang pagkakataon ay mawalan sila ng mahal sa buhay. Dahil dito ay may mga aksiyon na ginagawa ang Barangay. Una, mayroon silang evacuation center sa 2nd and 3rd floor ng kanilang barangay kung sakaling makaranas ng matinding pagbaha. Pangalawa, maaring lumikas ang mamamayan at magtungo sa UST Football Field kapag mayroon malakaas na lindol. Pangatlo, may mga fire extinguishers sa barangay at may malalapit na fire station katulad ng RAHA FIRE VOLUNTEER STATION upang mapula ang apoy. Gayunpaman ay mayroon pa rin kakulangan dahil sa mabagal na kilos ng gobyerno. Hindi rin natin masisisi, ang ilan sa mga mamamyan na takot sa pagbabago, matitigas ang ulo at hindi sumusunod sa mga panuntunan ng barangay na nagdudulot ng malaking panganib sa kanilang buhay.
Capacity and Disaster Management Assessment.
Ang kakayahan ay nagpapakita ng kalakasan sa pagsugpo ng mga problema sa komunidada. Kabilang na dito ang mga aksiyon na ginagawa ng Barangay at ng pamayanan upang makapaghanda sa mga paparating na panganib at mabawasan ang mga mapanirang epekto nito. Nababatid natin na mayroon nakaambang sakuna sa pamamagitan ng pakikinig sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAG-ASA), Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) at NDRRMC.Dahil dito ay ginagampanan din ng barangay ang kanilang tungkulin na maipabatid ang mga impormasyon sa kanilang pamayahan. Ang barangay 471 ay mayroon mga kagamitan katulad ng Two-way radio at megaphone na ginagamit sa pagpapalaganap ng mga mahahalagang impomasyon, reminders at babala. Bukod pa rito ay mayroon silang weekly clean-up drive katulad ng de-clogging of drainages na makakatulong na maiwasan ang palaging pagbaha, kung sakaling magkaroon ng malakas na bagyo. Katulad ng nabanggit kanina ay mayroon evacuation center sa 2nd and 3rd floors ng barangay hall. Namimibay rin ng bigas at relief goods ang barangay sa mga taong nasalanta ng sakuna. Bukod pa rito ay mayroon rin first aid kit ang barangay upang magbigay ng paunang lunas sa mga sugat na natamo, nebulizer para sa mga may asthma at BP apparatus upang ma-monitor ang blood pressure ng mga mamamayan. Ang barangay ay nagmamay-ari rin ng Generator upang magbigay ng panandaliang kuryente sa komunidad, flashlight kung magkaroon ng brown out, barangay patrol upang magresponde sa mga emergencies at public address system or alarm na kung saan ay napapalaganap ang mga impormasyon sa mamamayan. Dahil sa mga kagamitan na ito ay nagiging handa ang barangay sa mga sakuna upang matugunan ang mga pangangailangan ng pamayanan. Isa rin sa mga aksiyon ng barangay ay mga libreng seminar sa pamayanan tungkol sa Disaster, Risk Reduction and Management, upang magkaroon kaalaman ang mga tao sa mga dapat gawin kung mayroon sakuna.
Ang lahat ng barangay officials at volunteers ay nangunguna sa pagsasa-ayos ng komunidad upang maisakatuparan ang kaligtasan ng mamamayan.
COMMUNITY WALK
Bukod sa mga nabanggit na karanasan ng mga mamamayan, isa rin sa isyu na kinakaharap ng komunidad ay ang pagbaha dahil sa mga nakatambak na samu’t saring basura sa mga water drainages at sa paligid. Nangyayari ito dahil hindi maayos ang pagtatapon ng basura ng mamamayan at patuloy na paggamit ng plastics. Ang plastics ay isa sa mga dahilan kung bakit nagbabaha sa lugar. Upang malutas ang mga isyu, kinakailangan na magkaroon ng maayos na segregration ang pamayaman at ang mga taong hindi sumunod sa panununtunan ay magkakaroon ng penalty. Karagdagan, ang mga plastics katulad ng mga sachet ay pwedeng ibigay sa mga NGO na kung saan ay pwede ito ma-recycle at gawing ecobricks. Bukod pa rito, maaari rin na i-ban ng local na pamahalaan ang paggamit ng plastics dahil lubos itong nakasisira sa kalikasan. Ang komunidad ay maaaring gumamit na lamang ng mga paper bags or reusable bags upang makatulong sa kapaligiran.
Ayon sa Center for Disaster Preparedness Foundation Inc. ang Pilipinas ay nakararanas parati ng mga sakuna katulad ng bagyo, lindol, pagputok ng bulkan at iba pang panganib pangkalikasan. Nangyayari ito dahil ang lokasyon ng bansa ay malapit sa Western North Pacific Basin at Pacific Ring of Fire. Bukod pa rito, mayroon na rin tinatawag na trashlide na ang ibig sabihin ay pagguho ng mga nakatambak o gabundok na basura na nangyari noong 2000 sa Payatas. Ang Pilipinas ay bulnerable rin sa pagkawala at pagkasira ng mga likas na yaman dahil sa mga mapanirang human activities na nakakaapekto sa kalikasan. Sa kabila ng sunod-sunod na sakuna na tumama sa Pilipinas, marami pa rin Pilipino ang hindi handa sa mga ganitong sitwasyon dahil sa kahirapan sa buhay. Nahihirapan sila makabangon at alagaan ang kanilang sarili lalo na ang kanilang pamilya. Gayunpaman, hindi natin maitatanggi na sa kabila ng mga problema na kinakaharap ng nakararami ay mas pinipili pa rin nila na mabuhay at maging masaya. Ang mga Pilipino, lalo na ang pamahalaan at mga organisasyon ay dapat magtulong-tulungan upang makapit ang inaasam na kaunlaran.
Bilang parte ng isang komunidad, ako’y nagagalak na malaman na handa ang aming Barangay sa mga sakuna na darating. Nakita ko na ang aming barangay ay handang magpalaganap ng impormasyon tungkol sa mga bantang panganib upang masiguro ang kaligtasan ng mamamayan. Dahil dito ay nagkaroon ako ng mga kaalaman tungkol sa mga Disaster Management at bilang education student ay pwede ko ipamahagi ang aking mga natutunan sa aking kapwa mag-aaral at sa mga susunod na henerasyon. Bukod pa rito, aking napagtanto na ang pagiging prepared sa mga sakuha ay magsisimula sa ating mga sarili. Kinakailangan na tayo’y matatag at magkaroon ng kaalaman sa mga gantong isyu upang alam natin ang mga dapat gawin. Ang pagkakaisa at pagtutulungan ay susi rin upang maging handa tayo sa mga sakuna na darating. Gayunpaman, may mga pagkukulang pa rin ngunit kaya naman agad ito masolusyunan. Dapat natin tandaan na tayo’y maging handa sa pamamagitan ng pagkakaroon ng pagkakaisa.
Kinakailangan natin matugunan ang mga isyu na ating kinakaharap upang hindi na maulit ang mga mapanirang epekto ng kalikasan na naranasan natin noon. Dapat tayong matuto upang malagpasan ang mga gantong sitwasyon. Makakamit natin ito kung tayo ay magiging handa sa mga sakuna at gagampanan natin ang ating mga tungkulin sa komunidad. Kasabay nito ang pagsuporta at paglaan ng pondo ng gobyerno upang matugunan ang mga pangangailan sa mga batang panganib at maging maayos ang ating bansa.
Bilang miyembro ng komunidad at ng ating bansa, maaari kong ituro ang aking mga nalalaman tungkol sa paghahanda sa mga sakuna sa iba’t-ibang tao. Bilang isang “future teacher”, pwede kong ipahayag ang aking mga natutunan sa aking mga kapit-bahay o kapwa mag-aaral. Magandang paraan rin ay ang paggawa ng vlog or blog patungkol sa mga dapat gawin kung mayroon darating na panganib at sa pamamagitan nito ay mas maraming tao ang makakaalam.
Mga kuhang litratro habang sinasagawa ang interbyu.
PAALALA:
Pindutin ang “view image” (right click) upang makita ang mga larawan sa taas.
References:
Batayang Konsepto ng DRRM.pdf. (n.d.). Retrieved from https://drive.google.com/file/d/141bgfnnGq8-8OfdiIpXFoaFyz9WZyQhA/view.
















