EDUKASYON BILANG LUNDAYAN NG PAKIKISANGKOT SA MASA
Bilang huling araw ng âcommon modulesâ ng NSTP, muling pinaunlakan ni Prop. Athena Presto ang imbitasyon upang maging tagapagsalita hinggil sa âCitizenship and Nationalismâ Una ninyang ipinaliwanag ang kaibahan ng ânationâ  at âstate.â Ang huliây tumutukoy sa aspektong politikal habang ang una namaây sumasaklaw sa kultural na salik at/o tumutugon sa katanungan kung sino ang kabahagi ng âbayang Pilipino.â Kontekstuwal ang ganitong usapin sapagkat ang âkaisahanâ ng isang indibidwal ay maaari ninyang igiit bastaât may simbolikal na interaksiyon na siya sa isang nasyon. Bilang halimbawa ay iyong mga artistang kahit na may dugong banyaga ay mas kinikilala ang sarili bilang isang âPilipinoâ dahil, giit nila, nananalaytay na ang dugong Pinoy sa kanila. Walang masama rito, ayon sa tagapagsalitaâisa lamang itong patunay na neutral ang konsepto ng nasyon. Walang limitasyon o barikada makahahadlang sa âpakikiisaâ ng isang indibidwal sa isang ânasyongâ kaniyang kinikilalang tahanan (o ikalawang tahanan, âka nila). Sa kabilang banda, dapat ding matutuhan na neutral din ang ânationhoodâ o nasyonalidad. Ang usaping ito ay may historikal na kontekstong dapat na siyasatin sapagkat ang bawat bansa ay may iba-ibang pagtingin sa nabanggit na konteksto. Sa Pilipinas, halimbawa, ang susing-salitang ito ay isang positibong nosyon sapagkat ito ay tumutukoy sa mahabang pakikibaka ng mga bayaning nagbuwis ng kanilang buhay mula panahon ng pananakop hanggang kung ang estadoây nakararanas ng isang dispotikong pamamahala. Sa madaling sabi, ang ânationhood,â para sa atin, ay isang lundayan ng ating pakikibaka sa pagpapalaya nga ating bansa. Sa puntong ito, mahalagang tingnan ang historikal na konteksto ng mga Kanluraning bansa, lalo na sa Europa, na ang konsepto ng ânationhoodâ ay nakapagpapaaalala sa kanila ng madilim na kasaysayan ng diktadurya, malawakang pagpatay (genocide), at mga karima-rimaring na kaganapan. Sa huling bahagi ng talakayan, nabanggit ng tagapagsalita ang kahalagahan ng âaktibismoâ sa loob at labas ng Unibersidad ng Pilipinas. Malaon na ang ating pakikibaka sa tunguhing makatamasa ng mas maayos na estado sa panahon ng pangingikil. Gusto kong bigyang pansin ang ibinahaging sipi ni Prop. Presto: â¨Politics is pervasive. Everything is political and the choice to be âapoliticalâ is usually just an endorsement of the status quo and the unexamined lifeâ -Rebecca Sonnet
Isinusulong nito na  sa mundo kung saan nagtutunggalian ang ibaât ibang ideolohiya, walang bagay na neutralâkasangkot ang tindig na ito sa pagpapanatili sa kung anong dominanteng ideolohiya na karamihan ay lagiât laging nagpapalakas sa dominansya ng mga elit. Mahalaga ang pagsusuri sa mga sarili sapagkat aanhin mo ang âintelektuwalisayonâ sa loob ng mga pamantasan kung ang produkto lamang ng mahabang  pag-aaral ay isang apolitikal na intelektuwal na walang pakikisangkot sa masa. Sa ganitong lagay, ang pinakanatutuhan ko sa huling talakayan ng NSTP Common Modules ay ito: Sadyang magandang layunin ang pagpapanday ng ating mga sarili sa ating mga pamantasan. Ngunit ang pinakadalisay at pinakatunguhin ng isang âtunay na  edukasyonâ ay ang pakikisangkot sa masa. Muli, aanhin mo ang iyon edukasyon kung apolitikal at himud-himuran sa mga burukrataât kapitalistang elit. Ang aktuwalisasyon ng âcitizenshipâ at ânationalismâ ay lagiât laging nakaangkla sa ikabubuti ng masang api, sa ikauunlad ng ating ânasyonâ at/o âestadoâ na ating kinabibilangan.













