I can’t remember if I’ve posted this but I kinda like it because it’s accurate how we sometimes feel about things we can’t explain.
Lint Roller? I Barely Know Her

ellievsbear
wallacepolsom

@theartofmadeline

★
styofa doing anything
Today's Document

No title available
TVSTRANGERTHINGS
Keni
Claire Keane
Misplaced Lens Cap

PR's Tumblrdome
No title available
ojovivo

Andulka
tumblr dot com
h
2025 on Tumblr: Trends That Defined the Year
AnasAbdin
seen from Germany
seen from India

seen from United States

seen from Germany

seen from Italy
seen from United States

seen from Hungary

seen from Malaysia
seen from United States
seen from United States

seen from Malaysia

seen from United States

seen from United States

seen from Malaysia
seen from Germany

seen from United States
seen from Brazil

seen from Brazil
seen from Russia
seen from Malaysia
@willreadthistoraniaandenzo
I can’t remember if I’ve posted this but I kinda like it because it’s accurate how we sometimes feel about things we can’t explain.
I fell in love with Justin Bieber
Bale pang-asar lang talaga kay Jofran si JB during his college days ng mga high school tropapipz niya. Yung style niya kasi dati ay mala-Justin Bieber talaga… mula ayos at kulay ng buhok, pananamit, hanggang sa pagsabit ng headphones sa leeg.
So ayun na nga. Etong kyut kong boyfriend, pinanindigan na yata talaga ang pagiging shipper ni Justin Bieber. Lagi na lang, tuwing gagawa siya ng character sa isang laro, asahan mong ang unang character name na papasok sa utak niya ay -JustinBieber, at ang latest nga ngayon, ay yung character niya sa Ragnarok.
Eto pa… pag may bagong kanta si JB, kinakanta niya rin habang pinapatugtog sa Spotify. Tulad niyan, hit na hit ang Despacito ni Justin sa weekly charts. Papunta kaming convenience store nun. Akala ko naman kung anong binabrowse niya sa phone niya… Lyrics pala ng Despacito. Ang epic pa nito, ginagaya niya rin yung style ng pagkanta ni Justin. Amazing!
Tapos ako naman, bilang kyut na ever supportive girlfriend, finifeed siya ng mga latest chika. Gaya na lang nung pumutok ang isyung officially dating na sila Selena Gomez at the Weeknd. At ang hot na hot ngayon, ang pagpapalit ni Charice ng pangalan bilang Jake Zyrus at pagpapanggap na Justin Bieber ng Pinas. Tuwang tuwa namang nakikinig ang kyut kong boyfriend. Siguro kasi dahil wala siyang choice kundi ang pakinggan ako dahil dalawa lang naman kami sa kotse niya. Malungkot magmaneho mag-isa kaya natural lang na matuwa siya nang kusa dahil inientertain ko siya.
Love na love ko ‘tong Justin Bieber kong ‘to. Pinapasaya niya kasi ako kahit wala siya sa tabi ko. Makaisip lang ako ng mga katatawanang pinaggagagawa niya. Natatawa na ako. Tulad ngayon. Hahahahahaha.
Ella: Alam mo bang may anak na bulag si Henry Sy?
Jof: Sino? Si I can't Sy?
Ella: Yuck. Ang pangit. KENNETH SY kasi yon. Kenneth!
Jof: At least may idea na ako kung ano. Obvious masyado joke mo eh.
Ella: ...
Jof: Kilala mo ba yung business partner ni Henry Sy na laging may sinasabi? Siya yung part ng board of directors na laging nakakapoint out ng mga issues sa business.
Ella: Nyeh. Sino?
Jof: Edi Si SAM TING WONG
Ang ganda mo. Hindi naman.
Ang ganda mo. Bolero ka talaga.
Ang ganda mo. Ngayon lang yan.
Ang ganda mo. Mahal mo kasi ako.
Ang ganda mo. Sa tuwing maririnig ko mula sa'yo ang mga katagang ito, pilit kong pinapaniwala ang sarili kong nasasabi mo lang yan kasi ganito, ganoon, ganiyan...
Palaging dapat, may dahilan. Palaging dapat, may kailangan patunayan.
Mas pinipili ko mang wag maniwala sa sinasabi mo dahil base sa mga “istandard” na itinakdang katanggap-tanggap ng mga mamamayan sa lipunang ginagalawan ko, nakakatuwa na sa haba ng listahan ng mga tingin ko'y kapintasan ko, may isang taong nakakakita ng ganda sa kabila ng mga kapangitan ko.
Joking Jof
Isa sa mga gawain ni Jofran habang magkasama kami, na bihira lang naman niyang gawin talaga, ay ang magbitaw ng joke.
Sa tuwing meron siyang entry at hindi ako natatawa, uulitin niya yung litanya niya tapos idadaan sa tawa... minsan marami, minsan malakas.
Kapag wala namang epekto, ijujustify niya pa minsan na para bang dapat ko talagang tawanan yung “joke” niya.
Nagpipigil lang ako sa pagtawa, pero natutuwa naman talaga ako sa kanya.
It is when he is randomly dancing with me that I feel my stomach churning of the unknown, my heart pumping like it is the first time it awakens, my mind clouding of all the happiest thoughts a human can imagine, and my eyes blinding like we, and only we, are on our own little bubble..
..our own world with no one else around other than the sun, the wind, and the clouds.
I miss you daw. Haha. XD
Parang magic. Okay na ako. :))
Nakakainis pag tingin ng tingin si Jofran sa akin.
Sinisita ko siya na tigilan yung pagtitig sakin dahil sa tatlong rason:
Una, baka mabilang niya kung ilang tagyawat meron sa mukha ko,
Pangalawa, pakiramdam ko walang halaga ang una kasi nakakaganda yung pagtingin tingin niya (ikaw ba naman titigan ng boyfriend mo, haba ng hair!)
At pangatlo, hindi ako makatitig o makasimpleng sulyap sa kanya kasi nakatingin siya.
Hay. KINIKILIG AKOOO! HAHAHAHAHA.
Habang nag-aayos ng kanyang polo shirt...
Jof: Aray. Ang sakip. *sabay tingin sakin* Masikip na.
Ella: Hahaha. Tumaba ka...
Jof: Muscle 'yon
Ella: Ahhh.. HAHAHAHAHAHAHAHAHA
Pikunan 101 - part 2
Jof: ..ano nakapag-decide ka na?
Ella: Bukas na.
Jof: Ano? Anong sabi mo?
Ella: Bukas na.
Jof: Okay.
Ella: Baboy.
Jof: WOW!!! NAGSALITAAA.
Pikunan 101 - part 1
Jof: *may binulong*
Ella: Ano? Hindi ko narinig.
Jof: Baboy.
Ella: ANONG SABI MO???!!!
Jof: (karipas ng takbo paakyat sa kuwarto)
Ella: ...
Okay ka ba tiyan?
Gustong gusto ko pag tawang tawa si Jofran…
Para kasi siyang ewan na hinahampas yung tiyan niya. HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA
Manicure
Ella: *nagbubukas ng Pepsi in can*
Jof: *biglang kinuha yung softdrinks* Ako na.
Ella: Ako naaa.
Jof: Masisira yung kyutiks mo.
Jof: Uyyy, Friday ngayon. May BUBBLEGUM!
Pimple Breakout
ANG PANGIT PANGIT KO! ANG DAMI KONG PIMPLES AND ACNE. Huhuhu.
Binilang ko as of 03 March 2017, 11:11AM.
8 sa noo
2 sa ilong
3 sa baba
4 sa pisngi
Tapos itong si Jofran, makailang beses magsabi ng:
“Ang ganda mo…” “Bagay sa'yo…” “So cute ka na niyan?”
At kung anu-ano pang pambobola.
Ano bang nakain nun? Hindi ko alam kung gusto niya lang talaga pangitiin yung girlfriend niya o may napainom akong gayuma na long-lasting ang bisa kaya nagagandahan pa rin siya sa akin.
O baka mahal niya lang ako talaga? Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiiyak ako lalo. My gulay. HAHAHAHAHA.
Pinggan
Mama: Ikaw ah. Bakit naman yung plastic na pinggan yung ipinagamit mo kay Jofran nung nakaraan?
Ella: Bakit naman hindi? Wala namang kaso dun eh.
Mama: Kahit pa. Ikaw talaga. Yung babasagin yung ipagamit mo.
Ella: ...
Pinggan: ...
So, I left home to get home. With his shirt on, I went home from home. Can't help but feel like I brought home with me a part of my home. And that's the thing, I was allowed to take only a part of it.. ..just a part of him.