DAPIT HAPON
Tayo’y maglakad sa dalampasigan,Â
Kung saan ang hampas ng alon ay umaabot sa ating mga paa.
Maglaro sa saliw ng musikang gawa ng malalakas na alon sa dagat,
Tumakbo at maghabulan hanggang sa mag-dapit hapon.
Bawat halakhak, bawat kwento ay parang walang katapusan,
Halina’t umupo sa may buhangin at sabay panuorin ang paglubog ng araw.
Hindi mawala ang ngiti sa mga labi, hindi maalis ang kislap sa mga mata,
Saksi ang dagat sa mga pangakong sinambit.
Ikaw at ako ay magsisimula dito,Â
Hindi man alam ang susunod na kabanata nito.
Hayaan tangayin ng agos ng damdamin,Â
Sabay sa alon ng dagat na nakahuhumaling.
At sa paglubog ng araw ay mananatili ang mga pusong nagagalak,
Hanggang sa ang buwan ay tuluyang bumangon mula sa pagkakahimbing.
At ito ang simula ng tadhana na pinakaaantay.
















