May 22, 2011, I was born again.
Hindi siya yung literal na born again pero it was the day na I decided to follow Jesus.
Kung hindi ako nagkakamali, 2010 pa lang naging active na ako sa isang Christian Church. Active like umaattend ako ng Prayer Meeting, Bible Study and Sunday Service. Binigyan rin ako ni God ng position sa Church bilang part ng Worship Team which means kumakanta ako para God.
My life was perfect kasi I know na tama yung decision ko na makilala si God,
Noong naging Born Again Christian ako, maraming nag tanong kung bakit especially yung family ko. Yung family ko, they’re Catholic. Sobrang naging big deal sa kanila yung decision ko. Sinabi pa nga nila sa akin na “hindi mo na nirespesto yung relihiyon ng pamilya mo”. I told them na it was my choice and I’m happy.
Sobrang ang sarap sa feeling ng nag wo worship ka, yung pipikit ka lang tapos mararamdaman mo na yung Holy Spirit. Yung feeling na kahit anong ginawa mong kasalanan, pinapatawad ka pa rin Niya. Yung mga statement ng mga ka-churchmates mo kung gaano sila bliness ni God. Yung pakiramdam na ready ka nang mamatay kasi alam mong Siya yung makakasama mo.
Then one day, nawala ako. I was walking sa right path pero bigla akong huminto. May two ways, yung isa right path which is the way to Heaven tapos yung isa fun, friends, and world which I don’t know kung saan ako dadalhin. Hindi ko pinili yung right path kasi sabi ko kay God “God, kahit isang araw lang po. Babalik naman ako e”. Hindi ko naman alam na ang lakas pala ng influence ng world. Yung isang araw na hiniram ko kay God naging, weeks tapos years.
Hinide ko yung beliefs ko sa harap ng lahat, natuto akong magmura, nawalan ako ng control sa sarili ko na parang binawi ko kay God yung buhay ko na binigay ko sa Kanya. Alam niyo yun? Yung feeling na natatakot kang i judge ng lahat dahil Christian ka? Yung pagtatawanan ka kasi naniniwala ka kay God? ganoon yung na feel ko pero alam ko sa puso ko na kahit anong mangyari naniniwala pa rin ako na totoo Siya at malapit na ang pagbabalik Niya pero natatakot akong sabihin yung totoo kasi natatakot ako na walang maniniwala sa akin.
Nawala talaga ako ng matagal then dumating sa point na sabi ko kay God “God, nagkamali ako. Nagsisisisi ako na hindi ako sumunod sa'Yo. I was wrong. Masaya nga God pero everytime na nakaka encounter ako ng isang tao na hindi Ka kilala, nasasaktan ako. Kasi I know the truth, kasi I know about hell at natatakot ako na sisihin nila ako na hindi Kita shinare sa kanila. I am sorry God kasi hindi ko alam kung paano ako magsisimula, kasi hindi ko alam kung maniniwala ba sila sa akin.”
Yung night na nag pray ako for forgiveness, naramdaman ko ulet yung Holy Spirit at yung yakap ni God after ng matagal na panahon. Na feel ko na bakit ganon, ang galing ni God. Pinapatawad ka Niya kahit gaano kalaki yung naging kasalanan mo.
May nagsabi sa akin noon “Kaya yan nangyayari sa buhay mo kasi china-challenge ka ni God. Yung challenge na alam Niyang kaya mong lampasan. Tignan mo, nalamapas mo yung challenge sa family mo diba? Natutunan nilang irespeto yung decision mo, pero hindi doon natatapos yung journey mo as a Christian. Gusto ni God na dalhin mo yung family mo sa Church at marining nila ang message. Ganoon din ang gawin mo sa mga kaibigan mo at sa mga taong hindi mo kilala. Wag mong hayaan na maunahan ka ng kaaway. Hindi lang yung sould mo yung sinave mo kundi marami pa”
Now, unti unti akong bumabalik kay God. Nag u-turn ako sa path na nilalakaran ko at bumabalik ako doon sa two ways na nametion ko earlier. At kapag nareach ko na yun, alam ko na kung anong way ang pipiliin ko. Pero ngayon hindi na ako mag isa dahil kasama ko na yung family ko. I want them to know God.
Alam ko right at this moment, ginawa ko yung tama.
Sana sa mga nakakabasa neton (kung meron man) na sana na bless kayo. Nandiyan lang Siya palagi, handa Siyang makinig sayo :) Mahal ka Niya.