margaret atwood / louise glück
Fai_Ryy
Show & Tell
art blog(derogatory)

titsay
🩵 avery cochrane 🩵
almost home
PUT YOUR BEARD IN MY MOUTH

ellievsbear
Aqua Utopia|海の底で記憶を紡ぐ
noise dept.
Mike Driver
Game of Thrones Daily

No title available

tannertan36
d e v o n
No title available
let's talk about Bridgerton tea, my ask is open

❣ Chile in a Photography ❣
𓃗

Game Changer & Make Some Noise
seen from New Zealand

seen from Malaysia
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States

seen from India
seen from Germany
seen from Maldives

seen from Argentina
seen from South Korea
seen from Austria

seen from United States
seen from Sweden
seen from United Kingdom
seen from United States

seen from China
seen from Malaysia

seen from Finland
@493cjh
margaret atwood / louise glück
where's that picture that ruined my life
found it
this comic did the same thing
Sylvia Plath, The Letters of Sylvia Plath Volume I: 1940–1956
GOING TO YOU AT A SPEED OF 너에게 가는 속도 493KM — 2022, dir. Jo Woong
an endless list of my otps ≡ park tae jun & park tae yang
Will you please love me? I already do. LOVE ALL PLAY, south korea (2022)
GOING TO YOU AT A SPEED OF 너에게 가는 속도 493KM — 2022, dir. Jo Woong
my roman empire
sa gitna ng katahimikan at pag kukunwari, maaari kang sumandal sa aking tabi.
Hindi ikaw ang paborito.
Hindi ka kailanman naging una sa listahan, o binigyan ng espesyal na pagtrato. Walang dagdag na atensyon, o pagbaling ng lingon. Laging sapat lang, o madalas pa nga ay kulang. Nasanay ka na lang na parte ka ng mundo, dahil kung wala ka, hindi mapapansin ang ibang tao.
Ikaw kumbaga ‘yung pawn sa chess —walang kaso kung isakripisyo. Ikaw ‘yung puting canvas bago lagyan ng pinta —itinakdang takpan ng mas makulay na litrato. Ikaw ‘yung helium sa lobo —hindi ka kita kahit ikaw ang nagdadala. Ikaw lang ‘yung ekstra, ‘yung reserba, at swerte pa kung pangalawa.
Wala lang naman ito sa’yo, hindi na ito usaping bago. Pero—
hindi mawawala sa’yo ang mga tanong. Lagi mong tangan ang mga salitang kailanma’y hindi mo nabitawan. Nakaimbak sa puso mo ang maraming beses nilang pagtanggi, ang mga pagkakataong lagi kang inilalagay sa huli, ang paulit-ulit na pagpaparamdam nila sa’yong hindi ka kasali.
At kung bibilangin ang mga gabing kinaawaan mo ang 'yong sarili, mapapagod sila sa pagbibilang. Hindi nila makukwenta ang mga luhang tinanggap ng ‘yong unan. Hindi nila kayang dakutin ang naipon mong dahilan kung bakit kailangan kang pahalagahan.
Sapagkat kahit hindi ikaw ang paborito— ibinabahagi mo pa rin ang ‘yong puso. Ikaw ang pumupuno, para gumanda ang pagtatapos ng bawat kwento.
—
paborito || roncanimoph
Ron Canimo
***
Kung may pagkakataon pa, ikuk’wento kong muli sa’yo lahat ng napag-usapan natin no’ng gabing iyon.
Ipapaalala ko kung paano tayong lumangoy sa lalim ng isa’t isa. Sinabayan natin ang mga kantang nagpapakalma sa’ting kaluluwa. Binuksan natin ang mga sarili at ipinakita kung gaano tayo kahina — ‘yung totoong tayo na hindi alam ng iba.
Iisa-isahin ko ang mga karanasan mong ‘di malilimutan — ang masasaya, nakakakilig, pati na rin ang pinagmulan ng mga luha. Pati mga paborito mong libro, lugar at pelikula — mga gusto mong mabasa, marating at mapanood pa. Kaya kong ikuwento lahat ng ito sa’yo — kung p’wede pa.
Kung kaya pa sanang ulitin ang gabing iyon. Ipapaalala ko sa’yo ang pakiramdam kung paanong mahulog nang hindi natatakot. ‘Yung gabing hindi tayo makatulog, pero ramdam natin ang pahinga sa mga k’wento ng isa’t isa.
Kung p’wede pa sana.
***
kung || Ron Canimo
Copied from: Mga Tala at Tula
This is just too beautiful not to be shared here.
Ang pinakamabisang paraan daw ng paglimot ay pag-alala.
Kaya’t paulit-ulit kong binabalikan ang bakanteng lote kung saan madalas tayong tumambay; aabangan si kuyang fishball at saka papakyawin ang lahat ng tustadong kikiam; maghahati lang tayo sa gulaman, at sa mga k’wento, at sa ganda ng takipsilim.
Doon pa rin ako dumadaan sa kanto kung saan madadaanan ko ang bahay niyo; kahit maraming aso, mas gusto kong maglakad dito; gusto kong tanungin ang mga poste ng ilaw kung mayroon ka na bang ibang kasabay pag-uwi tuwing gabi; gusto kong aninagin ang mga marka niyong dalawa—
kung masaya ka ba; kung napapatawa ka ba ng mga korni niyang linya; kung inaalok ka ba niya ng panyo kung namumula ang mukha dahil kinikilig ka; kung inaakbayan ka rin ba niya dahil masyadong maliit ang payong para maisilong ang nararamdaman niyo sa isa’t isa.
Inaalala pa rin kita; sa bawat sandali, sa bawat bagay, sa bawat pangyayari; sa madaling salita—palagi; malungkot man o masaya ang kanta; ambon man o bagyo ang trip ng langit; sabihin man ng mga orchids sa tapat ng bahay niyo na matagal ka nang nakalimot at nakausad; aalalahanin pa rin kita.
Hanggang sa matauhan ako; hanggang sa mamanhid ang puso, at masanay, at maging pamilyar sa sugat na iniwan mo; hanggang ang pag-alala sa’yo ay hindi na masakit; hanggang sa—ang lahat ng sandali at pangyayari na may kinalaman sa’yo—wala na lang.
Aalahanin kita, hanggang sa magsawa na lang ang mga alaala.
—
Ron Canimo
roncanimoph
***
tiktok.com/@roncanimoph
Hindi mo lang siguro naikukuwento, pero—
puno na ng lungkot ang ‘yong puso. Umaapaw ito ng hinanakit at panlulumo. Tumatagas ang pagkadismaya, umaagos ang pangungulila. Gusto nitong magwala— kumawala, ngunit wala, para itong nawawala.
Hindi mo makapa. Mayroong kaba na nagpapanggap na kalma. Mayroong nginig na nagkukubling pintig. Hindi mo maramdaman ang tunay na kapayapaan. Gusto mo sanang mapakinggan, pero marahan kang pinipigilan—
ng hiya, ng takot, ng panliliit sa sarili. Pinalaki ka kasing matiisin at mapagkunwari. Hindi ka marunong magsabi. Hindi ka marunong manisi. Kaya’t kahit sa pinakamadilim mong bahagi, pipilitin mo pa ring ngumiti.
Ngunit alam ko.
Ramdam ko.
Hindi mo lang siguro naikukuwento,
pero naiisipan mo na ring sumuko.
—
Cc. Ron Canimo
Ang gulo nila no?
Hindi mahawakan nang may lambing ang pag-ibig. Sisimulang basahin, pagkatapos ay iiwang nakabinbin. Pagliliyabin, pero tatawag ng saklolo para apulahin. Pipitasin, pero itatapon din.
Lulusong lang hanggang tuhod. Aakyat lang sa ilang palapag. Mananatili lang kung kailan maluwag. Hangga’t mababaw, hangga’t mababa, hangga’t hindi pa nakakalunod o nakakalula.
At kapag dumating na ang alon, o kung humampas na ang malakas na hangin—bibitaw din. Mahina ang kapit, madaling masaid. Tinatakot nila tayo. Sinasabi nilang ang pag-ibig ay masakit.
Pero hindi naman ‘di ba?
Sila lang naman ang magulo.
Naniniwala pa rin ako sa pagmamahal. Sa tuwing titingin ako sa’yong mata, sa tuwing hahawakan mo ang aking kamay—sa kabila ng mga ingay at ‘di tiyak sa buhay, ramdam kong tayo ay tunay.
—
Ron Canimo
roncanimoph
***
𝗜𝗞𝗔𝗪 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗪𝗔𝗧 𝗔𝗥𝗔𝗪 ☀️
(ikatlong akda ng Mga Tala at Tula)
shopee.ph/mgatalatula
Kung may pagkakataon pa, ikuk’wento kong muli sa’yo lahat ng napag-usapan natin no’ng gabing iyon.
Ipapaalala ko kung paano tayong lumangoy sa lalim ng isa’t isa. Sinabayan natin ang mga kantang nagpapakalma sa’ting kaluluwa. Binuksan natin ang mga sarili at ipinakita kung gaano tayo kahina — ‘yung totoong tayo na hindi alam ng iba.
Iisa-isahin ko ang mga karanasan mong ‘di malilimutan — ang masasaya, nakakakilig, pati na rin ang pinagmulan ng mga luha. Pati mga paborito mong libro, lugar at pelikula — mga gusto mong mabasa, marating at mapanood pa. Kaya kong ikuwento lahat ng ito sa’yo — kung p’wede pa.
Kung kaya pa sanang ulitin ang gabing iyon. Ipapaalala ko sa’yo ang pakiramdam kung paanong mahulog nang hindi natatakot. ‘Yung gabing hindi tayo makatulog, pero ramdam natin ang pahinga sa mga k’wento ng isa’t isa.
Kung p’wede pa sana.
***
kung || Ron Canimo
Copied from: Mga Tala at Tula
This is just too beautiful not to be shared here.