Unang Putok
Valentine's Day.
Kakagising ko lang.
Parang ganito ...
Hihihi.
Natulog lang ako maghapon dahil mas magaganda ang mga pangyayari sa panaginip kesa sa totoong buhay!
Kesa naman lumabas ako.Â
Kaliwa't kanan ang may hawak ng bulaklak.
Yung mga babae, proud na proud.
Na para bang sila na yung pinakamaswerteng girlfriend.
Na para bang mahal na mahal talaga sila ng kanilang boyfriend.
At para bang hindi naman natin alam na madalas pa silang magsigawan kesa magmahalan.
Na yang Valentine ay payabangan lang. Pa-contest pa nga para sa babae. At kung sino yung pinakamaraming tangkay ng bulaklak ang hihiranging panalo.
Yung mga lalake naman, akala mo kung sinong mabait. Na para bang hindi natin alam na ni minsan sa buhay nila, natalo sila ng tukso.Â
Nakakaloka na ang mundo.
Nabubuhay tayo sa panahon kung saan ang pera, pag-ibig at pakikipagtalik ang nananaig!
Ano na lang ang mangyayari sa atin?
Ah basta! Alindog ang itawag mo sa akin!









