“Yung simple lang. Hindi sobra. Yung hindi rin kulang. Yung sapat lang.
Yung sapat lang yung nalalaan kong oras ko sa kanya. Yung sapat lang na andito ako kapag kinailangan nya. Gusto ko kasi kapag may isang bagay na gumugulo sa isip nya, gusto ko nandon ako para sagutin ang mga katanungan nya. Kapag dinadalaw sya ng antok, gusto ko nandon ako para meron syang balikat na masasandalan. Kapag nabibigatan sya, bubuhatin ko ang mga dala nya. Ngingiti ako para sakanya. Maging taga-sundo man ako. Maghintay man ako kung minsan ng matagal sa pagdating nya, hahabaan ko ang aking pasensya.. Kapag nilalamig sya, ipapahiram ko sakanya ang jacket ko at hahawakan ko ang mga kamay nya. Hindi ko sya ikukumpara sa ibang babae dahil gusto ko maramdaman nyang isa syang prinsesa. Isang prinsesa sa isang istorya ng simpleng lalaking katulad ko.
Mukha man baduy.. Pero.. Ganun talaga eh. Asahan mo na pag nagmahal ka magiging baduy ka at okay lang maging baduy ako para sakanya..
Alam nyo, ang mga babae.. Marami silang kwento. Kung anu-ano. May pagka-weird minsan… Pero, basta! Makinig ka na lang. Ayaw kasi nila ng nai-stock ang isang storya sa mga utak nila eh. Basta, kapag kinailangan nya ng tengang makikinig, balikat na masasandalan, kamay na mahahawakan at isang tao na magpaparamdam sakanya na hindi sya nag-iisa, nandito ako para sakanya.
Mukhang alalay ba? O P.A.? Hindi ko nakikita ang sarili ko na ganun. Dahil kahit sabihin mo pa na simpleng bagay lang ang lahat ng ito. Malaking bagay ito para sakanya. Malaking bagay ito para sa pagsasama namin.
Ako…. Mahilig ako maglaro. Maglaro ng kung anu-ano. Hindi ko hahayaang guluhin ako ng kahit na sino sa mga bagay na pinaglilibangan ko. Pero, pagdating sakanya. May oras pa rin talaga ako para magreply, may oras pa rin ako para sabihin sakanya kung ano ang ginagawa ko sa mga oras na yun at alam ko tanggap nya yun. At alam ko hindi yun magiging dahilan para magkaroon kami ng hindi pagkakaunawaan.
Kasi alam nyo, ang computer, basketball o kahit ano pa… Parte na yun ng mga buhay ng lalaki eh. At hindi naman ako gago para ikumpara sya sa mga larong ito. At lalong hindi ako tanga para ipagpalit sya sa mga bagay na iyon. Kasi sa lahat ng bagay na meron ako sa buhay ko…. Iisa sya sa pinaka-iingat ingatan ko. Bakit kamo? Wala eh. Mahal ko eh!
Alam nyo, gasgas na gasgas na sabihin ang mga salitang "masaya ako kapag masaya sya.” Masaya naman talaga. Pero hindi mo naman ito kailangan ulit ulitin pang sabihin sakanya at kung kanikanino pang tao. Sa totoo lang, hindi ko naman kailangan sabihin lahat ng gagawin ko para sakanya. Para kasi saken, ayokong magbitaw ng mga salitang hindi ko kayang tuparin. Ayoko syang paasahin sa mga pangako. Sa mga pangakong alam kong imposible ko pang magawa sa ngayon.
Pero alam nyo, tawagin nyo man akong duwag, okay lang. Basta, ayokong maramdaman nyang umaasa sya sa wala. Kung may gagawin man ako para sakanya. Para sa ikasasaya nya, gagawin ko ito sa paraang alam kong kaya ko.
Kasi ang effort para sa mga babae… Hindi naman kailangan sagad-sagarin eh. Hindi mo rin kailangan sumungkit ng mga bituin, hindi mo rin kailangan tumulay sa mga alambre o tumalon sa eroplano. Yung simpleng pagbuhat mo lang ng bag nya, yung simpleng paghatid mo sakanya. Tulad nga ng sinabi ko kanina.. Malaking bagay ang mga ito.
Kasi ginagawa mo ang lahat ng mga ito, hindi para magpasikat sa iba. Kundi ginagawa mo ito para sakanya.. Para maramdaman nya pa lalo ang sinsiredad at pagmamahal na meron ka para sakanya..
Basta gusto ko, ako.. Gusto ko lagi, nandon ako.. Sa pag-iyak man, sa pag-tawa, sa paghalakhak, sa pagluluksa, sa kahirapan man o kahit ano pa. Gusto ko nandon ako. Gusto ko nandon ako para sayo kasi meron kang malaking parte sa buhay ko. Gasgas man kung sabihin, ginagawa ko ito dahil mahal kita. Sasabihin ko pa rin sayo, nandito ako dahil mahal na mahal kita.“