Bus. One of the common medium of transportation.
KIROKAZE

No title available

shark vs the universe
macklin celebrini has autism
YOU ARE THE REASON
h
wallacepolsom

bliss lane
No title available

roma★
tumblr dot com

JVL

Love Begins

titsay
The Stonewall Inn
hello vonnie
$LAYYYTER
ojovivo
cherry valley forever
EXPECTATIONS

seen from Singapore

seen from United States
seen from Germany

seen from Germany

seen from Türkiye
seen from Bangladesh
seen from United States

seen from Bangladesh
seen from Malaysia
seen from Brazil
seen from Vietnam
seen from United States

seen from Russia

seen from Switzerland
seen from Canada

seen from Malaysia

seen from Vietnam

seen from Belgium
seen from Türkiye

seen from Malaysia
@angbitteeeeer
Bus. One of the common medium of transportation.
ASK.FM sagot lang :)
"Sa tingin mo, nagseselos lang ba sya o hinihigpitan na ko?"
ikaw, ano sa tingin mo? kung wala ka namang ginagawang mali, sa mata ng iba, sa mata mo, ituloy mo lang. Nagseselos siya, pero kung sobra na, sa tingin mo, tama pa rin? Hinihigpitan ka na rin siguro, pero syempre dahil rin siguro sa pagseselos.
May alam akong ganyang istorya eh, pero ang nangyayari lang, pareho lang nasasaktan, pareho lang 'di nagkakaintindihan, pareho lang naghihintayan. Ikaw, sa tingin mo kung sobra na, sabihin mo, hindi yung mananahimik ka lang, tapos ano, iyak-iyak sa sulok? MAG-USAP KAYO.. pero wag na magbilangan ng mga mali o tamang nagawa, bakit magbibilangan, para sa ano? pagalingan?
Kayo lang rin naman makakasagot sa tanong mo yan, kayo lang rin makakaayos, kayo lang rin naman ang makakatulong sa sarili niyo. :)
To shi ba xD the leading innovation (Taken with Instagram)
Weeeeeeh (Taken with Instagram)
The pathway to greatness (Taken with Instagram)
Beauty, brain and cool (Taken with Instagram)
Beauty, brain and cool (Taken with Instagram)
Close your eyes and feel
The music inside your head, The beat inside your heart and the rhythm of your soul
and you will see how colorful the life is. and how gorgeous your personality is.
BADTRIP!!!!
Yung kahit anong taboy mo, lalapit at lalapit pa rin siya sayo... Yung tipong mamatay ka nang maaga dahil sa taong ito. Yung tipong ikaliligaya niyang mabura ka na sa mudong ito dahil sa pagkamuhi mo sa taong ito.
BAKIT! BAKIT? BAKIT ka nagkaganyan? yung tipong kahit ipahiya ka na sa buong sambayan eh tuwang-tuwa ka pang napapansin ka ng iyong kapaligiran kahit sa kahit anong anggulo eh hindi na ito magandang tingnan. OO, yan na lang siguro ang paraan mo para ika'y mahagip ka ng aming mga bilog na mata, kahit na hindi na sa paraang hindi maganda, eh ikaliligaya ng iyong puso't isipang sabik sa kalinga.
Alam mo, pwede mo namang makuha ang iyong mga inaasam-asam sa magandang paraan na ang lahat ng nasa iyong kapaligiran ay liligaya. isang tilang mga grupo ng mga indibidwal galing sa iba't-ibang lugar na may iba't ibang kapaligirang kinalakihan ay may mga ngiting hindi mo alam kung saan ang pinaghuhugutan.
Huwag kang mainis o magtaka kung bakit ganyan ang mga tao sa iyong ginagalawan, dahil ikaw mismo ang nag-uutos sa kanilang gawin ang mga ginagawa sa iyo ng mga itong malapit ng mamatay sa inis na walang hanggan... SA TINGIN NAMIN,,,, kung ipagpapatuloy mo yang NAPAKAGANDANG UGALI MONG YAN,, masarap kayang mabuhay dahil wala kang kaibigan. Walang lalong gustig umagapay sayo lalo na sa oras ng PANGANGAILANGAN.
KUNG mababasa mo man ito, at kung alam mo naman sa sarili mong ikaw ang tinutukoy ko, PAKIUSAP, mayroong salitang pagbabago hindi lamang sa diksyunaryo kundi sa lahat ng lugar na naghihintay mo siyang yakapin at isama sa buong buhay mo. Kung balot ka sa takot, WAG! tandaan mo, mukha lang malakas ang kalaban dahil alam niyan takot ka rito, pero hindi mo alam, daig mo pa ito lalo na kug isasapuso mo ang mga bagay na kayang makatalo rito...
BillBoard
August 18, 2012..wooooooh!!! palapit na ng palapit ang taong 2013... at siyempre, parami na rin ng parami ang mga mukha sa daan. MGA MUKHA.. MGA MUKHA. (itutuloy)
HAPPY FIESTA!!! mula kay blah blah blah
nasalanta, mga relief goods may nakasulat.. TULONG MULA KAY blah blah blah
Lahat ng okasyon, lahat ng pangyayari, lahat paparaanan makita lang ang kanilang ngalan sa kung sang bagay.. kulang na lang yata ipagsigawan ang ngalan nila sa buong baranngay...
May lugar akong nadaanan, ok na sana yung mga bandila na nagbibigay kulay sa mga daan para maipakitang may okasyon sa lugar na iyon, kaso bakit may epal? bawat eskinita, bawat paglingon mo, may makikita kang mukha. mukha. mukha na nakangiting pulitiko.. Di mo alam kung bumabati ba talaga o nangangampanya na? Minsan nga, nanawa na ako sa pagmumukha dahil araw-araw ba naman makikita ang kanilang mga mukha... giniba ang kalsada tapos inayos, PROJECT na yan. Fiesta? may pagbati na yan.. may gagraduate? may PANGALAN na nila yan. Eh kung ang ginastos nila run, pinantulong na lang nila sa nangangailangan, marami pang natulungan. Ano naman mapapala ng taong-bayan sa mga mukha nilang para namang makakalimutan. Wala na bang mapaglagyan sa kanilang mga tirahan, at di nakuntento at pati sa daan, ginawa ng PHOTO album ang isang baranggay..
(ang kasunod ng kanina)... MUKHA, MUKHA nga ng alam mo na... Di naman sa kinakalaban, pero kailangan, bawat bagay, may mukha at may nakabig bold ibang kulay ng kanilang pangalan? OK, oo may ginawa ka para sa bayan, pero kailangan ipagSIGAWAN wan wan wan (papahina) wan wan wan.. sa BUONG bayan yan yan yan yan. Haayy, BATO BATO SA LANGIT, ang palihim na PINATATAMAAN, wag magagalit.. :P
Bakit Nga ba Ganun?
August 07, 2012. Bakit kaya may mga taong mahirap pakisamahan? Siguro, dahil di mo gusto aang ugali nito o istilo nito? O dahil Hindi talaga siya nakikisama kasi SARILI lang niya ang iniisipo niya. May mga tao namang tawagin na nating martir. Yung alam na nilang mali, yung ayaw na nila pero patuloy pa rin nilang ginagawa. Minsan, di natin alam kung ano nga ba talaga ang dapat mangyari. Kaya ang katanungan ko lang para rito ay BAKIT NGA BA GANUN?
MATATAPOS RIN
August 07, 2012. Umuulan na naman.. Ang sarap ng aking pagkakahimbing. Isang tila isang panahong pahinga sa 'king murang katawan ang nangyari ngayong araw. Paglabas ko ng aking tinutuluyan ay napamulat ang aking mata sa aking mga nakita. Akala ko’y namali lang ako ng tingin. Pero ito’y aking nilapitan at hindi nga ako nagkakamali. Isang tila maliit na ilog ang bumagtas sa Pureza Street kung saan malapit ako tumutuloy. Nakakatakot, nakakakaba, yan ang dapat nararamdaman ko pero hindi. Hindi ko alam kung ano, basta ang alam ko, maraming tao ang lumulusong sa baha, siguro ang mga bata ay lubog na. Susunod na kaya ito kay Ondoy? Di ko alam, basta ang nakikita ko ay delubyo. At dahil wala ngang madaanan, naghanap ako ng makakainan sa ibang lugar. At sa nakita ko, ay may telebisyon, Grabe ang mga binabalita. Tila buong Luzon ay binaha na. Ito na kaya ang pagbuo sa ikalawang arko ni Noah?
Likas na sa ating mga Pilipino na masayahin kaya nagalak ako nung nagpapatugtog pa ang ibang bahay na masasayahing kanta. Tila walang nangyayaring kakaiba sa paligid nila. Siguro kesa nga naman ang mukha nila ay hindi maipinta, ngumiti na lang at hintaying matapos ang tila isang delubyong nangyayari.
Dito masasabing sa kabila ng kadiliman ay may liwanag ka pa ring makikita kahit ito’y medyo may kaliitan. Dahil siguro ang isang maliit na bagay ay kayang makapgawa ng napakalaking pagbabago.
Sana’y maging ligtas ang lahat pagkatapos ng hunos na ito. At umaasa akong may mgpakitang bahaghari sa kalangitan ng sa simula ay mapalitan kagad ng kasayahan ang magiging dulot ng pangyayaring ito.
sa susunod ang nakalagay naman, more fun in NUEVA ECIJA na.. :) para kasi sa report to ng kaklase ko dati nung high school. eh Pangasinan yung napunta yata sa kanya.. :) basta, MORE FUN IN THE PHILLIPPINES..
ang laki ng problema mo dre!
"uy may problema ako."
ano naman kako yun
"Wala akong crush eh, yun ang problema ko"
tumawa lang ako. kasi di ko alam ang isasagot ko.
tapos ngayon, nag-iisip ako
ano nga ba ang sagot sa problema nyang iyon. at may pumasok sa isip ko at ito iyon.
nung una, nagtanong ako sa sarili kailangan ba talaga yun? parang di naman siguro, di naman yun katulad ng pagkain at kung ano mang talagang kailangan ng tao para mabuhay.. pero di naman yun ang tanong niya, sasagutin ko na lang yung tanong, ang sagot ko ay ORAS! oo oras, siguro nagtataka ka, bakit ganyan ang sagot ko. hayaan mong ipaliwanag ko. Ode maghintay ka. ATAT KA dre??? Gusto mong makuha, paghirapan mo.. pagtrabahuhan mo.. hahaha.. ano daw?? hahaha... basta maghintay ka.. parang nawala na yung ewan hahaha.. basta.. ORAS lang ang makakasagot sa problema mo. ORAS, hintayin mo lang yan at darating sa buhay mo. Marami a namang bagay na pwedeng mangyari sayo, kung hindi pa ngayon, isipin mo na lang, pwede namang bukas. Wag mong punuin ng mga bagay ang buhay mo ssa kaunting panahon, baka mapagod ka, hindi mo kayanin magsisi ka pa. oo, maikli lang ang panahong ibibigay sa atin para mamuhay rito, pero di naman siguro kailangang pagsabayin ang lahat, gawin nating balanse ang lahat. yun lamang, at sana'y makamit mo na ang gusto mong makuha. :)
kailangan din naman MINSAN...
Minsan, kailangan rin naman nating bumagsaak, para matuto tayong bumangon. Hindi sa lahat ng oraas eh nasa gaanun na lang tayong estado, kasi minsan, kailangan nating bumaba para makabwelo, at malagpasan ang dati nating kinalalagyan.
Hindi naman masamang magkaroon ng galit, pero 'wag namang sanang itanim sa puso't isipan. may Karapatan tayong magalit, peero siyempre, sa kabilang banda, may mararamdaman din ang kabila. Hindi natin masasabi kung ano ang naasa isipan ng bawat isa, kung paano nito mapapalakaad aang saarili niya, o pano kokontrolin ang emosyon nito o wala lang talagang pakielam sa nangyayari saa paligid nila. Iba't-iba ang mga tao sa paligid mo, iba't-iba ang pananaw nito. Hindi naman natin kailangang ipilit ang ating gustong mangyari, kasi lahat tayo ay may sari-sariling itilo ng pamumuhay.
Dahil nga sa nangyari, nawa'y matuto tayo sa mga hindi magagandang nangyayari sa ating buhay, maging isang bagay na makakapaghubog lalo ng ating tunay na katauhan, o mas magandang sabihin, nakakapaghubog ng tamang dapat inaasal ng isang tao sa mundong ibabaw.
Isang Araw na naman ang dumaan
4:14, Lunes, July 4, 2012… Malapit na namang matapos ang isang araw na akala mo’y walang kabuluhan. Araw na akala mo’y wala na naming nangyaring kapakipakinabang. Araw na akala mo’y pandagdag lamang sa koleksyon mo ng mga araw na walang pinagbago kundi ito’y lumilipas lang. Yun ang iniisip ng ating utak at ng ating kapaligiran. Pero kung ating titingnan, ang bawat araw ay dagdag na naman sa aaralin ng mga bagong henerasyon sa kanilang kasaysayan. Dahil sa araw na mga lumilipas, maraming nangyayari ng hindi natin namamalayan dahil siyempre hindi naman nakikita ang buong mundo at mga nangyayari rito.
“Hay buhay”, yan ang karaniwang mga salitang lumalabas sa bibig ng bawat pagod na tao na tila sawang-sawa na sa kanyang buhay o sa mga nangyayari sa mga bawat araw na nilalagi niya sa mundong ibabaw. Ito’y salitang mabentang-mabenta kanino man lalo na sa mga taong pagod. Naging tila isang karaniwang pangyayari na lang sa bawat nilalanag ang gumising, kumain, gumalaw, mapagod, at matulog sa isang araw. Pwera na lang kung may kakaibang pangyayari, pero ano mangyayari sa kinabukasan? Uulit na naman sa dati. Pero kung ating iisipin, mas lalo tayong maghahanap ng ikasisiya ng ating isipan kung aaraw-arawin natin ang mga kakaibang araw. Mas lalo tayong maghahanap ng bagong pangyayari. At ang masaklap, hindi na natin mararamdaman ang kasiyahan ng bawat isa at ang kalalabasan ay mundo na balot ng KALUNGKUTAN. Ang bawat buhay ng isang tao ay babalutin na lamang ng isang pangyayaring hindi natin magugustuhan. Mawawala na ang salitang kasiyahan, pwera na lang kung makakaisip ang tao ng ikasisiya nito pero sana naman’y ang maisip nito ay makabubuti hindi lamang sa mata nga tao, hindi lamang sa batas ng tao, hindi lamang sa ikagaganda ng mundo, kundi sana’y pati sa mata ng ating Panginoon. Hindi natin masasabi kung magkakaganito ba ang mundo o mas lalalala pa sa iniisip ko. Pero kung mangyayari man, sana’y maging mayos pa rin sa dulo.
Kaya kung ating pagtiyatiyagaang balikan ang mga nakaraan, maging kuntento na sa mga nangyayari at gawin na lamang positibo ang mga nangyayari kahit ito man ay hindi natin gusto. Namnamin natin ang sarap na ibinibigay ng isang araw sa atin, at magpasalamat tayo sa binubusog ang ating isipan at katawan sa bawat araw ng ating paglalakbay. At sana’y wag tayong magsawa sa mga araw na dumarating hanggang sa makamtan natin ang kapayapaang inaasam ng lahat, ang KAMATAYAN.
ramdam mo na ba?
Habang nagbabasa ng mga post sa kulay asul at puting website naa tinatawaag na Facebook, ay may naakakuha ng aking paningin at aking tinitigan at pinag-iispan kung ito'y aking rereply-an.. kasi ang tanong ay paano ba magmahal. At ayun, nabuo ang aking loob at ito'y aking sinaagutan. Ito ang aking sinabi:
" paano magmahal?? Madali lang.. Sundin ang puso, gamitin ang utak. Isipin lahat ng mangyayari, wag padalus-dalos lang. Magmahal? Lahat tayo nagmamahal na, hindi lang pansin, kasi nababago ang ating pananaw sa salitang pagmamahal. Maraming pwedeng mangyari, maraming pwedeng maging kahulugan pero sa huli, pare-pareho lang ang kalalabasan. Lahat tayo ay masusuklian ng kaparehong pagmamahal na ating ibinigay sa ating pinagbigyan. "
Ngunit bakit may natatakot magmahal? kasi may mga pangyayari sa ating buhay na hindi natin inaasahan at nakakasira ng ating mga dapat ginagawa. Kaya minsan, nakakapagod nga bang maagmahal. Siyempre, lahat naman ng bagay, kapag nasobrahan, masama na. Hindi naman kapag napagod ka, ititigil mo na, magpahinga lang, mag-isip-isip at magsimula ulit at itama na ang naging kamalian.