I’ll be honest, my man isn’t really the most good looking guy nor he is the most masculine one. But I am proud to tell the whole world that he has the kindest heart. Sa 21 years ko sa mundo ngayon lang ako naka meet ng taong sobrang buti ng puso, bukod pa doon sobrang God fearing siya and responsible.
People even my family had been asking me bakit siya pinili ko? Bat ko siya sinagot? Eh hindi naman siya gwapo at ang hinhin pa? Di na lang ako sumasagot, kasi kahit anong pakilala ko sakanila kung ano lang yung gusto nila makita, yun lang makikita nila, sarado ang isip kumbaga. Umabot pa sa point na sinabihan ako na hindi kami bagay. Oo, kasi di niya deserve mga panlalait at pag-iisip niyo ng masama sakanya. Sobrang nakakaproud ipakilala ni Mark sa mundo pero yung pamilya ko? Ayoko na magsalita.
Swerte na rin ako kasi may supportive akong mama na laging sinasabi na aanhin ko yung gwapo, bata kung wala namang ibubuga at sasaktan lang ako? Kay Mark sobrang secured ko na. At si Mark ang binigay saken ni Lord.
So why am I doing this? Ang sama lang talaga ng loob ko sa mga kamag-anak ko. Ngayon ko na napatunayan how judgmental they are. Di ko na malaman kung kanino pa ba sila walang tiwala, kay Mark o saken? Ilang taon ko na pinagtrabahuan yung tiwala nila. Nag-aral ako ng mabuti, magaganda grades ko, grumaduate ako on time, nagtrabaho ako agad, hindi ako nagpariwara lahat ng bilin nila sinunod ko na pero parang kulang pa rin. Parang kung saan ako masaya instead na support makuha ko sakanila, panghihila pababa ang nakukuha ko.
Dapat di ako naapektuhan kasi dapat di mag matter yung sinasabi nila. Pero di ko maiwasan di masaktan para kay Mark at para sa sarili ko. Hindi ko alam kung samen ba talaga yung mali? O sila na yung mali sa pag-iisip nila? Masama magtanim ng sama ng loob sa kadugo mo pero di ko maiwasan dahil sobra na sila. Para namang nakagawa ako ng malaking pagkakamali sa pagmamahal ko sa taong sobrang bait, responsable at may takot sa Diyos. Gusto siguro nila balikan ko yung demonyong sumira ng buhay ko noon, yung demonyong muntik ng kumuha ng buhay ko. Yun siguro gusto nila. Yung imbes maging masaya ako sa buhay ko, maging impyerno katulad nung nandoon pa ako sa hayop na yun. 🙄


















