Karamdaman. Kung pagmamasdan mo ako sa malayo. Ako'y tila isang malakas na malakas. Makikita mo saking pagtayo na kaya ko ang lahat. Hindi uso ang mag reklamo. Masayang haharapin ang bawat hakbang ng aking mga paa. Sa kahit ano pang pagsubok. Ngunit sa kabila ng ito, ako'y may karamdamang iniinda. Ayokong ipakita bagkus ito ay kusa mong mahahalata. Ngingitian ko lang lahat ng mga ito, habang iniisip mo pa lang kung ano nga ba ang aking karamdaman. Ayokong pati ikaw malungkot sa nagiging karamdaman ko. Ngiti lang tayo kaibigan. Ang liwanag ng bukas ay hindi matatapos. Dilim lamang ang pagitan ngunit, may liwanag ng mga kandila pa rin sa kabila ng kadiliman.











