Mahal kita, sarap pakinggan di ba?
Pero alam mo bang masakit na
Dahil alam kong hindi ito magiging totoo
At hindi rin magiging tayo
Kahit anong gawin ko
Iba pa rin ang pipiliin mo
Kaya hayaan mo na lang mahalin kita
Sa abot nang aking makakaya
Hindi ko pipiliting gustuhin mo ako
Hindi ko rin sasabihing mahalin mo rin ako
Hayaan mo lang ako dahil dito ako masaya
Mga simpleng kilos mo ang aking ligaya
Mamahalin kita nang patago
Titignan kita mula sa malayo
Ngiti mo ang nagpapalakas sa akin
Lalo sa panahong ang mundo ay gusto nang lisanin
Hayaan mong mahalin kita
Kahit may mahal kang iba
Hayaang ipadama ko sayo
Pag ibig na alay lamang sayo
Hayaan mo lamang sana ako
Manatili sa tabihan mo









