Pagtatangka Sa loob ng napakaraming taon, binuno ko ang aking buong lakas at oras upang muling hanapin ka. Hinabol ko lahat ng pagkakataong dumating upang muli'y masilayan ka. Bumuo ako ng sarili kong mapa sa pagbabaksakaling sa pagkakataong ito'y matatagpuan na kita. Ngunit, minsan isang araw, saking pagtatangkang mahanap ka, natagpuan ko ang aking sariling naliligaw sa isang bahagi ng karimlan. Nangngapa ako sa dilim at yapos ko ang aking sarili sa nanunuot na lamig na dalang hangin. Nakaramdam akong takot na ngayon ko lang naramdaman. Pero nagpatuloy ako. Nagpatuloy akong maglakbay sa pusod ng dilim bitbit ang kakarampot na pag-asa na sa dulo, na sa dulo ay naron ka. Pigil ang hikbi at pilit na pinatatatag ang sarili dahil sa puso't isipan ko'y alam kong sa dulo'y nag-aabang ka. Alam kong sa dulo ng kadilimang ito, may liwanag na naghihintay, nandun ka nakatayo at bisig mo'y sa akin idadantay. Tanaw ko na ang liwanag at dagling nawala ang damdaming puno ng pagbabagabag. Ngiti ay muling sumilaw saking mga pisngi at galak sa puso ang muli'y namutawi. Sadyang di ako nagkamali, dahil saking pagtatangka ika'y aking nasilayang muli. (at Panimahawa Ridge)














