Ang kailangang ilinaw: ang rasismo, tulad ng iba pang isyung pangkultura, ay hindi lang isyung pangkultura. Nakaugat ang pagiging dominante ng Kanluraning modelo ng kagandahan sa aktwal na dominasyon ng Kanluran sa ekonomiya, pulitika, at militar ng mundo. Sa aktwal na tinakbo ng kapitalismo, mga makapangyarihang bansa sa Kanluran ang naging dominante, at sa batayan ng pagiging dominante nila naipataw-ipinataw ang kanilang kultura at modelo ng kagandahan.
Dahil sa kolonyalismo at imperyalismo, ang mga matang gamit natin sa pagtingin ng “maganda” ang siya ring gamit natin sa pagtingin ng “maunlad,” “mahusay,” at maging “demokratiko.” Hangga’t hindi lumalaya ang bansa sa dominasyon ng mauunlad na bansa sa Kanluran, pangunahin ang US, lagi’t laging may rasismo, iwawalang-halaga ang kulay na kayumanggi at itsurang Pilipino
Teo Marasigan, KolonyalNation
Mismo. Pero palitan yung huli ng iwawalang-halaga ang itsurang hindi Kanluranin. Problematic yung pag-frame na merong iisang itsura nang "pagka-Pilipino".
Thus, short of colonising them all over again, Filipinos may not ever be made to constitute an essence or a being, since they already are ever in the process of becoming.
To the degree that the normative category ‘Filipino,’ as it has been preached and enforced by canonical Philippine literature and history, presumes to be able to allegorically capture and subsume the plurality of subjectivities and selves of the very ‘Filipinos’ it supposedly merely describes and yet in fact discursively materialises, then, finally, it is in fact the latter and not any outside, alien or dominating force that functions as this category’s constitutive Other, the structure that it repudiates and yet simultaneously incorporates precisely as its founding repudiation. In other words, it is the real ‘Filipinos’ themselves that the symbolic nativist fantasy of ‘Filipinoness’ excludes, but at the same time it is they who are supposed to ‘embody’ it into being.
Ang kagustuhan na i-distill sa monolitikong mukha ng pagka-____ e yung mismong mekanismong tumutulak sa Iba/Kaiba sa margins, yung Iba/Kaiba na supposedly rumi-representa sa pagka-____.
NTS: identitad bilang patuloy na pagiging imbis na static na pagka-; isaalang-alang ang perpetual na pagiging habang jinojombag ang mukha ng dominanteng mga kultura/naratibo/chenelyn.