PAGSUKO
Hindi ko alam pano sisimulan
Hindi ko alam pano dudugtungan
Pano nga ba nagsimulang masunog ang lahat ng kuro kuro sa isipan?
Nuong una'y masaya habang inaalala ang mga panahong nasa bisig pa
Bawat saglit tila ba'y kakayanin ang lahat ng ibato ng tadhana
Ngayon ang nasa isipa'y sasaya pa ba?
Tila nabura sa isipan ang lahat ng magagandang alaala
Habang nagkakasagutan na para bang walang hangganan
Sino ba ang may mali?
Sino ba ang nagkamali?
Ikaw? Ako? Tayo? Sila?
Pilit mo rin akong pinutol habang ako'y naglalabas ng nararamdaman
Na tila ba'y aking sinasabi ay purong kalokohan lamang
At sa pagkakataong yun...
Ako’y naliwanagan na dapat na kitang sukuan
Pagsuko
Pagsuko na lang ang nakikitang solusyon
Pagsuko sa mga alalaalang natapon
Pagsuko sa mga araw na muling babangon
Pagsuko
Pagsuko sa maraming bagay na patungkol sa isang tao
Pagsuko sa bawat emosyon na inilaan para magkaintindihan tayo
Ayaw ko na...
Patawad pero ayaw ko na at ako'y susuko na











