Isang Bukas Na Liham Para sa taong Minahal ko ng 4 na Taon.
Paunawa lamang : Hindi ko isinulat ito upang mamahiya,manakit o magpababa ng saloobin ng isang tao.
*hindi madaling simulan ang ganitong usapan, hindi rin madali na magsalita,lahat ng bagay na gagawin, lahat ng bagay na maaring sabihin ay posibleng may pagkakaiba ng interpretasyon sa bawat isa.
Hayaan niyo akong magsimula. .
Nais kong ipabatid sa mga taong ito na hindi madaling ang maging isang hangin sa paningin nila. Maging isang pipi na hindi masabi ang tunay na nararamdaman at maging bulag na tila di mo nakikita ang mga bagay bagay.
Sa Taong nakilala ko makalipas ang apat na taon, nais kong ipabatid sayo na na"mimiss" na kita. Nasa malapit ka pero di ka mahawakan, tanging tanaw pagkatapos may pagaalinlangan na.
Nasaan ka na bang talaga? Hindi ko alam kung ikaw parin ba ang taong nakilala ko noon, di ko alam kung madami bang nagbago sayo o sadyang yan kapala talaga.
Hindi ko kailangan sabihin sayo na masakit na ipagpalit mo ang lahat para sa taong panandaliang nagbibigay sayo nang kaligayahan.
Hindi ko kailangang sabihin sayo na sana naisip mo ang lahat ng pagod,hirap,luha at saya na pinagsamahan natin na halos sinubok na nang panaho.
Hindi mo man ako tunay na magulang,kapatid o kamag-anak paulit ulit kong ipinapakita at pinararamdam sayo na di ka basta basta.
Isa kang espesyal na taong nagpasaya sa akin, sa amin. Lubos akong humahanga sa mga ipinapakita mo at pinaghihirapan mo.
Pero Nasaan ka na nga ba?
Hindi naman ako kalaban sayong mga ideya, hindi naman ako kontrabida sayong buhay pero bakit hindi mo makita ang lubos na pagaalala dahil mahal lang kita, namin.
Kung siya ang lubos na kaligayahan mo, maiintindihan ko naman, sana lang maayos mo ding pinapaliwanag, ipinapakita, walang lihiman.
Pero Nasaan ka na nga ba? Paano mo nagawang sabihing nasaktan ka gayong ikaw ang masa nakasakit ng iba. Parati nating nakikita ang sarili lang natin na akala mo nadehado pero di ba tayo nakadehado sa damdamin ng iba?
Hindi ba nakagawa ng mali? Magsinungaling at manloko ng paulit ulit? At paulit ulit nating idadahilan na nagmamahal?
Bakit sinabi ba ng diyos satin na kapag natuto tayong magmahal ay abandonahin,dedmahin,itanggi,kalimutan at paulit ulit nating lokohin ang mga taong andyan para sa atin noong nahihirapan tayo at sila pa ang tunay na nagmamahal satin ng walang pagaalinlangan.
Ibinilin ba ng diyos sa atin na ngayong may minamahal ka na ay dapat siya lang ang mundo at kalimutan mo yung mga taong nakasama mo sa loob ng ilang taon.
Hanggang kailan ka magiging masaya kaya sa piling niya? Hanggang tuluyang masira na ang tiwala sayo ng mga tao,tuluyan kang madapa?masira?
Walang sino man ang makakasagot niyan
Nanghihinayang ako sa mga pagkakataon, Nalulungkot ako sa mga ginawa mo nasasaktan ako sa mga naging desisyon mo
Pero ganun pa man wala ako sa lugar para sabihin yan lahat sayo ng personal.
Nais kong malaman mo mula sa sulat na ito, na aantayin ko na bumalik yung taong nakilala ko noong makalipas ang apat na taon.
Paulit ulit kong sasabihin na ikaw ang baby girl ko, na andito lang ako para sayo.
Nawa'y maging masaya ka sa nalalapit na pagalis ko.
Hindi ako galit, hindi masama ang loob ko, sadyang mahirap lang siguro sa una maisip at maramdaman na yung dating iniingatan mo ay siyang taong unang magtatakwil pa sayo.
Sa huling bahagi ng liham na ito, gusto kong magnilay nilay ka kung mabasa mo man ito.
Isipin mo sana kung nasa ba nanggagaling ang nararamdaman ko,ng bawat isa.
Isipin mo kung bakit kahit na nagkaganyan ka ay andito ako/kami kahit pa paulit ulit mo kong dinedeadma.
Isipin mo kung ano ba ang tama at mali.
Walang humahadlang sayo, iniingatan ka
Walang nananakit sayo,di mo lang matanggap kung ano ang tama
Walang nagagalit sayo,gusto kalang na hindi mapariwara
Walang pumipigil sayo magmahal,pero alamin mo kung ano ba ang mas dapat pahalagahan
Sa huli, nasasayo padin ang paginog ng mundo.
Maniwala ka sa kung ano ang makakabuti sayo hindi sa kung saan kalang masaya
Dahil ang tunay na kaligayahan ay hindi nakukuha ng iglapan. Ang tunay na kaligayahan ay makakamtaman mo sa mga taong di ka binitawan sa panahong ikaw ay nangangailangan.
Masarap magmahal, mahirap pangatawanan.
Hanggang dito nalang. Salamat sa lahat!