Day 64 Last Day Of OJT
09/23/2016
Our last day. Last day ng OJT namin. Nag dala ako ng fruit salad, si Pat ref cake, si Jo at Alys naman ay dedication cake para sa aming pamamaalam at pasasalamat sa pag tanggap saamin ng HEMS. At ngayong araw ay mag prepresent sana kami ng nagawa naming system kay Doc Eric. Kaso busy kasi, may mga dumating na bisita.
Nung lunch time na ay nilabas na namin ang mga dala naming panghimagas.. Masayang masaya sila sa aming dala. Picture picture para sa memories. :D
Mga hapon na siguro kami makakapresent kay Doc kung sakaling matapos yung meeting nila.. Nag ayos muna kami sa system ng konti, may dinagdag din. At naabutan na kami ng 5PM, wala parin si Doc Eric kasi yun pala kakadating lang nung mga bisita kaya sabi ni Ma’am Rej magtetext na lang daw kung kailan pwede si Doc para makapag present.
Nag J.CO kaming apat para sa aming accomplishment na nagawa. :D
Ang ganda ng experience ko dito sa OJT na ito. Madaming akong natutunan.. Patikim palang ito para sa Real world, sa Industry. Kailangan bumangon ng maaga, mabilis dapat kumilos para di malate, pagiging polite sa mga tao at training na din to kapag may ka officemates na. Thank you po mga Ma’am at Sir! Hanggang sa muli po nating pag kikita :D Next sem magkikita pa tayo :D














