MANGGAGAWA
ni Jose Corazon de Jesus
Bawat palo ng martilyo sa bakal mong pinapanday alipatong nagtilamsik, alitaptap sa karimlan; mga apoy ng pawis mong sa Bakal ay kumikinang tandang ikaw ang may gawa nitong buong Santinakpan. Nang tipakin mo ang bato ay natayo ang katedral nang pukpukin mo ang tanso ay umugong ang batingaw, nang lutuin mo ang pilak ang salapi ay lumitaw, si Puhunan ay gawa mo, kaya ngayon’y nagyayabang.
Kung may ilaw na kumisap ay ilaw ng iyong tadyang, kung may gusaling naangat, tandang ikaw ang pumasan mula sa duyan ng bata ay kamao mo ang gumalaw hanggang hukay ay gawa mo ang krus na nakalagay.
Kaya ikaw ay marapat dakilain at itanghal pagkat ikaw ang yumari nitong buong Kabihasnan….. Bawat patak ng pawis mo’y yumayari ka ng dangal, dinadala mo ang lahi sa luklukan ng tagumpay.
Mabuhay ka nang buhay na walang wakas, walang hanggan, at hihinto ang pag-ikot nitong mundo pag namatay.
Pagsusuri
Ang Tulang ito ay isinulat ni Jose Corazon de Jesus para sa mga manggagagawang Pilipino na nag papakahirap araw araw para kumita at may ipang-tustus sa kani-kanilang pamilya. Upang maipaalam sa mga mambabasa niya kung anong klaseng hirap ang dinaranas ng mga manggagawang Pilipino mula sa di patas na pagpapa suweldo hanggang sa diskriminasyon sa loob ng pagawaan.
Ang buong tula ay nagpapahiwatig ng kagalingan ng isang manggagawang Pilipino . Sa unang saknong ipinakikita ang kagalingan nila sa pagpapanday. Ipinapahayag nito ang mahirap na prosesong kinakaharap ng mangagawa upang makalikha ng bagong kagamitan. Ganun paman sila ay dakila dahil bawat patak ng pawis nila ay may katumbas na bagay na mapapakinabangan ng bawat mamamayang Pilipino
Tulag nga ng lumang kasabihan kung walang tiyaga walang nilaga kung hinde mo pagsisikapan hinde mo ito makakamit













