Husto Na!
Manhid na nga ata ako, kahit na ano pang naidulot mong pasakit sa puso, parang wala na akong maramdaman, napagod na ba ako? Siguro nga... pare-pareho kayong sinaktan lang ako, pero sa dami nyong sinaktan ang puso ko, ngayon parang wala na atang pakiramdam, pilit ko mang gustuhin na maiyak, walang luha, may diprensya na ba ako? Sadya na bang nasanay nako? Alam ko may bahagi ng puso ko ang kalungkutan, pero nanaig na sa akin ang katatagan, wala naman kasing magbibigay ng suporta sa aking pagkalungkot, sarili ko ang dapat kong alagaan, dahil ako ang sinaktan, ako ang iniwan, ako nagmahal, ako ang nagpakatanga... bakit may mga taong nabuhay pa para lang saktan ang mga taong minahal naman sila. Anong karapatan nila? Kaya naman Husto Na! Tigilan nyo na ang panloloko ninyo at pagpapaasa sa mga taong ang tanging hangad lamang ay maramdaman na magmahal at mahalin!... Ang mundo ay bilog, iikot ito at bka bukas ikaw naman ang madaanan ng paggalaw nito, wala siyang pasabi kung kelan pero tiyak darating siya, sana maisip mo na kasama ako sa pag ikot pero lalagpasan kita at maglilibot, alam ko na may isang taong hahawak sa aking kamay at sasamahan niya ako sa paglalakbay, hindi bibitiw at magtataksil dahil para sa kanya ako ang kanyang mundo....













