Natatawa talaga ako sa mga detergent commercials dito sa Pinas. Hindi ko alam kung ako lang ang nakakapansin nun o wala lang talagang pake ang mga tao sa napapanood nila. Hahaha.
Unang-una, bakit kailangang puti na damit ang gamitin ng kanilang asawa sa pagtatrabaho kung alam naman nilang magdudumi ang mga ito? O di kaya, bakit nila pagsusuotin ng puting damit ang kanilang mga anak kung alam naman nila na magdudumi ito? Maaari namang pagsuotin na lamang ng de-kulay na damit para iwas sa hirap. Pero hindi naman nila maipapakita sa madlang people kung epektib nga ba ang kanilang produkto. Haha.
Ngunit hindi ko pa rin lubos na maisip kung bakit ganoon na lamang ang mga patalastas dito sa Pinas, mapatungkol man sa detergent o kung ano pa man. Nakakatawa at nakakatuwa sila. Ipagpatuloy lang nila ang paggawa ng ganoon dahil lubos nila akong napapasaya. Hahaha. :D